^

PSN Palaro

Gilas pinuri ni P-Noy sa kanyang speech sa Spain

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Higit sa isang linggo nang natapos ang kampanya ng Gilas Pilipinas sa 2014 FIBA World Cup sa Spain, ngunit hanggang ngayon ay sinasariwa pa rin ito ng mga Filipino.

Sa kanyang speech ay binanggit ni President Benigno Aquino III ang panggugulat na ginawa ng Gilas Pilipinas sa 2014 FIBA World Cup.

Nagsalita sa harap ng Filipino community sa Mad­rid, Spain, pinuri ni Aquino ang Nationals sa kanilang ipinakitang katapangan sa kabila ng paglalaro ng may pinakamaliit na line-up sa naturang torneo.

“Para ho sa isang laro na malaking bentahe ang pa­giging matangkad, nakita naman ho ninyo, hindi man ho sobrang katangkaran ang koponan natin, talagang hindi po tayo basta-bastang kinaya nitong mga bansang napakalaki ng height advantage,” wika ni Aquino sa Gilas Pilipinas ni head coach Chot Reyes.

Tinapos ng Gilas Pilipinas ang kanilang kampanya sa 2014 FIBA World Cup mula sa panalo kontra sa Senegal sa kanilang huling laro sa Group B.

Nauna nang yumuko ang Nationals sa Lithuania, Greece, Argentina at Puerto Rico.

Huling nakapaglaro ang Pilipinas sa FIBA World Cup noong 1974.

Nakatakdang sumabak ang Gilas Pilipinas sa 2014 Asian Games sa Incheon, Korea kung saan layunin nilang makamit ang gintong medalya.

Sa pagkakadiskuwalipika kay 6-foot-11 naturalized center Andray Blatche ay muling sasandal ang Nationals kay 6’11 naturalized player Marcus Douthit.

Magbabalik din sa koponan si veteran guard Jimmy Alapag para pumalit sa maiiwang trabaho ni Jayson Castro na nagkaroon ng knee injury.

vuukle comment

ANDRAY BLATCHE

AQUINO

ASIAN GAMES

CHOT REYES

GILAS PILIPINAS

GROUP B

JAYSON CASTRO

JIMMY ALAPAG

WORLD CUP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with