^

PSN Palaro

Pilipinas kinilalang Best Country sa FIBA Worlds

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Bigo mang manalo ng higit sa isang laro, naitatak naman ng Pilipinas ang bansa sa mundo ng FIBA World Cup.

Napatunayan ng Gilas Pilipinas kung gaano kamahal ng bansa ang basketball at nakita ito ng buong mundo, patunay dito ang parangal na iginawad sa kanila bilang Most Valuable Fan Best Country award.

Halos apat na dekada ang inantay ng Pilipinas upang makapagpakitang gilas sa world cup at masasabing tagumpay ang misyon ng Gilas sa ipinakita nilang kakayanan at determinasyon upang manalo.

Bilang pagkilala ay ipinalabas ang video montage ng Gilas Pilipinas sa halftime game ng Finals sa pagitan ng United States at Serbia kaninang umaga.

Tanging Senegal lamang ang pinataob ng Pilipinas ngunit tiniyak na pinadaan sa butas ng karayom ang mga naglalakihang bansa, kabilang ang Croatia, Greece, Puerto Rico at Argentina.

vuukle comment

BIGO

BILANG

GILAS PILIPINAS

MOST VALUABLE FAN BEST COUNTRY

PILIPINAS

PUERTO RICO

TANGING SENEGAL

UNITED STATES

WORLD CUP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with