^

PSN Palaro

Macaladlad, Jaro nagdomina sa MILO Marathon Lipa City leg

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Naisama ang pangalan nina Joseph Macaladlad at Criselyn Jaro sa mga mananakbo na maglalaban sa 38th National Milo Marathon Finals sa Dis­yembre 7 sa Mall of Asia sa Pasay City.

Ang dalawang runners ang nanguna sa 21-kilometer gualifying race na ginawa sa Lipa City, Batangas.

Napagtiyagaan ni Ma­­caladlad na tahakin ang basa at madulas na kalye para maisumite ang pinakamabilis na tiyempo na isang oras, 17 minuto at 14 segundo.

Pumangalawa si Greg Vincent Osorio sa 1:19:25 habang si Jay Laya ang pumangatlo sa 1:19:43.

Natuwa si Milo Sports executive Andrew Neri sa mga sumali na hindi ina­lintana ang masamang panahon.

Ang local runner na magtatala ng pinakamabilis na oras sa National Finals ay makakasali sa Tokyo Marathon sa susunod na taon.

Ito ang ika-50th taon ng Milo sa Pilipinas at bibigyan ito ng ningning sa pamamagitan ng pagbibigay ng running shoes sa mga nabiktima ng bagyong Yolanda sa Tacloban.

Nakatakda naman ang iba pang qualifying race sa Iloilo sa September 21, bago tutungo sa Bacolod (September 28), Tagbilaran (October 5), Cebu (October 12), Butuan (October 19), Cagayan De Oro (November 9), General Santos (November 16), at Davao (November 23).

Ang patakbong ito ay naisagawa sa tulong ng Timex, Bayview Park Hotel Manila, ASICS, Lenovo, Manila Bulletin at Gatorade, na may endorsement mula sa Department of Education, Philippine Sports Commission at Philippine Olympic Committee.

 

vuukle comment

ANDREW NERI

BAYVIEW PARK HOTEL MANILA

CAGAYAN DE ORO

CRISELYN JARO

DEPARTMENT OF EDUCATION

GENERAL SANTOS

GREG VINCENT OSORIO

JAY LAYA

JOSEPH MACALADLAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with