^

PSN Palaro

Sauler aminadong mahihirapan sa muling pakikipaglaban ng Archers sa Tamaraws

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Naulit ang nangyari no­ong nakaraang taon sa pagkikita ng FEU at La Salle sa Final Four sa Season 77.

Tinapos ng dalawang koponan ang double round elimination tangan ang 10-4 karta para maitakda ang pagkikita sa semifinals.

Mauuwi sa best-of-three ang tagisan dahil paglalabanan ng dalawang koponan ang twice-to-beat advantage.

Ganito ang nangyari rin sa Season 76 dahil tu­mapos ang dalawang koponan na tabla sa pa­ngalawang puwesto.

Nanalo ang La Salle sa una at ikalawang pagkikita para umabante sa Finals na kung saan tinalo nila ang UST para sa kampeonato.

Aminado si Archers coach Juno Sauler na hindi niya inisip na muling magaganap ang ganitong sitwasyon at alam niyang dadaan sila sa butas ng karayom dahil determinado ang Tamaraws na mabawian sila.

Natalo ang Archers sa Tamaraws sa naunang dalawang pagkikita sa elims kaya’t target nila ang mapantayan ang intensidad ng katunggali.

“We have to match the intensity of FEU,” ani Sauler. “They’re a very fast-paced team and I think in the first two games, we got beaten in transition. That is something we have to take care of ”.

Sa panig ni Nash Racela, kailangang patunayan  ng Tamaraws na karapat-dapat silang umabot sa semifinals sa pagbawi sa La Salle.

Sa mental side ang pagtutuunan ng Tamaraws lalo pa’t galing din sila sa 64-68 pagkatalo sa overtime sa Ateneo kahit lumamang na sila ng 19 puntos sa hu­ling limang minuto ng fourth period.

Ang Ateneo ang lumabas na number one team sa 11-3 karta at hihintayin pa ang resulta ng UE at UST bukas para malaman kung sino ang makakalaban.

Nasa ikaapat na puwesto ang Bulldogs sa 9-5 baraha pero puwedeng magkaroon ng playoff para sa huling upuan patungo sa semifinals sakaling magwagi ang Warriors sa Tigers.

 

vuukle comment

AMINADO

ANG ATENEO

ATENEO

FINAL FOUR

GANITO

JUNO SAULER

LA SALLE

NASH RACELA

TAMARAWS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with