^

PSN Palaro

NU Pep Squad matikas pa rin sa UAAP Cheerdance Competition

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Nasulit ang paghihirap ng National University Pep Squad nang kilalanin uli bilang kampeon sa UAAP Cheerdance Competition kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Naperpekto ng NU ang kanilang routine at hindi nakapagtala ng pagkakamali upang makakuha ng na­ngungunang 677.5 puntos.

Bunga ng panalo, na­ibulsa ng NU Pep Squad ang premyong P340,000.

Maganda rin ang ipinamalas ng pitong iba pang kalahok ngunit minalas silang may mga nagkamali para mabigo sa laban.

 Ang UP Pep Squad ang pumangalawa sa 658 puntos bago sumunod ang UST Salinggawi Dance Troupe sa 625 puntos.

Bago ang kompetisyon, ang UP at UST ay nagbalak na maibulsa ang ika­­siyam na kampeonato mula 1994.

Naisantabi ng panalo ang paglapag lang ng NU sa ikatlong puwesto sa Group Stunt  Division taglay ang 239.5 puntos.

Ang FEU na tatlong sunod na pumangalawa sa laban ang nagwagi sa 258.5 habang ang UST ang puma­ngalawa sa 251 puntos.

 

vuukle comment

BUNGA

CHEERDANCE COMPETITION

GROUP STUNT

MAGANDA

NAISANTABI

NATIONAL UNIVERSITY PEP SQUAD

PEP SQUAD

SALINGGAWI DANCE TROUPE

SMART ARANETA COLISEUM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with