^

PSN Palaro

Tiket sa F4 susuwagin ng Tamaraws

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tutumbukin ng Tamaraws ang unang tiket sa Final Four, habang ang ikalawang playoff berth ang puntirya ng Blue Eagles.

Sasagupain ng Far Eastern University ang sibak nang Adamson University ngayong alas-4 ng hapon matapos ang pakikipagharap ng Ateneo sa talsik na ring University of the Philippines sa alas-2 sa second round ng 77th UAAP men’s basketball tournament sa Smart Araneta Coliseum.

Gagawin ng Tamaraws ang pagkopo sa unang semifinals ticket nang wala si head coach Nash Racela, miyembro ng coaching staff ng Gilas Pilipinas na kasalukuyang kumakampanya sa 2014 FIBA World Cup sa Spain.

Nanggaling ang FEU sa 75-69 panalo laban sa UP noong Linggo.

Sinabi ni assistant coach Eric Gonzales dapat may baguhin sa attitude ng mga Tamaraws.

“Kapag mahina ang ka­­laban. Yung mga pla­yers nagre-relaks,” sabi ni Gonzales. “Kapag kalaban La Salle or top teams, hindi mo na sila kailangang i-mo­tivate dahil talagang nag­papakamatay para manalo.”

Nalasap naman ng Falcons ang kanilang pang-11 sunod na kabiguan matapos yumuko sa nagdedepensang La Salle Green Archers, 57-66, noong Linggo.

Sa unang laro, pipilitin naman ng Blue Eagles na masundan ang kanilang 69-58 panalo sa University of  Sto. Tomas Tigers no­ong Linggo sa pagharap sa Fighting Maroons.

“We already talked about how it’s going to be difficult from here on,” wika ni mentor Bo Perasol sa mga pagsubok na haharapin ng Ateneo bago makapasok sa Final Four.

vuukle comment

ADAMSON UNIVERSITY

ATENEO

BLUE EAGLES

BO PERASOL

ERIC GONZALES

FAR EASTERN UNIVERSITY

FINAL FOUR

LINGGO

TAMARAWS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with