PFF Peace Cup, PHL Azkals mapapalaban na sa C-Taipie
MANILA, Philippines – Sisimulan ng Philippine Azkals ang kanilang pagdedepensa sa PFF Peace Cup ngayong gabi sa Rizal Memorial Football Stadium.
Sasagupain ng Azkals ang Chinese-Taipei, tumalo sa kanila noong nakaraang taon, sa ganap na alas-7 ng gabi para sa unahan sa pag-angkin sa finals berth ng four-nation tourney na pinaikli sa two-day affair dahil sa direktiba ng International Football Federation (Fifa).
Maglalaban naman ang Asian Cup-bound Palestine at Asean bet Myanmar sa alas-4 ng hapon.
Ang mananalo sa double-header ang maglalaban sa gold medal match sa Sabado, habang ang matatalo ang mag-aagawan sa bronze medal.
“The guys know what’s at stake and it’s nice to be back in Manila, it’s been a while (since the Azkals last played at Rizal),” sabi ni Azkals skipper Rob Gier sa pre-tournament press conference kahapon sa Manila Hotel.
Ang third edition ng Peace Cup ay pinaikling knockout format para umangkop sa isang Fifa ruling na nagtatakda ng dalawang international matches per A team sa anumang international window.
Samantala, simula ngayong gabi mapapanood ang laro ng Azkals at Chinese Taipei sa alas-7 ng gabi na live na ipapalabas ng ABS CBN Sports+Action.
Para sa mga update, patuloy na subaybayan ang ABS-CBN Sports+Action at i-like ang opisyal na Facebook page nito (www.facebook.com/SportsandAction).
- Latest