^

PSN Palaro

Archers lumapit sa playoff para sa Final 4

RCadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bumangon ang Green Archers mula sa pagkakapigil ng kanilang seven-game winning streak para makalapit sa playoff para sa Final Four.

Tinalo ng nagdedepensang De La Salle University ang sibak nang Adamson University, 66-57, sa se­cond round ng 77th UAAP men’s basketball tournament kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Tumabla ang La Salle sa Ateneo sa kanilang mag­katulad na 8-3 record.

Kumolekta si Jason Perkins ng 16 points at 13 rebounds, habang nagdag­dag si Jeron Teng ng 15 points kasunod ang 12 ni Almond Vosotros para sa Green Archers.

Pinangunahan ni Don Trollano ang Falcons sa kanyang career-high na 26 points at 11 rebounds at naglista si Jansen Rios ng 11 points at 11 boards.

Mula sa 3-5 agwat ay kumamada ang La Salle ng 16-0 atake para isara ang first period sa 23-8 bago nakalapit ang Adamson sa halftime, 27-33.

Sa ikalawang laro, ginulat ng UE ang NU matapos angkinin ang 64-55 panalo para palakasin ang kanilang tsansa sa Final Four.

Huling lumamang ang Bulldogs sa 15-12 hanggang magtayo ang Red Warriors ng 11-point lead, 35-24, sa 3:03 minuto sa third period.

Tuluyan nang pinitas ng UE ang kanilang ika­anim na panalo matapos maglista ng 59-48 bentahe sa huling 59 segundo mula sa basket ni import Charles Mammie.

vuukle comment

ADAMSON UNIVERSITY

ALMOND VOSOTROS

CHARLES MAMMIE

DE LA SALLE UNIVERSITY

DON TROLLANO

FINAL FOUR

GREEN ARCHERS

JANSEN RIOS

LA SALLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with