^

PSN Palaro

Lady Troopers tinapos na ang Lady Rising Suns

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tinapos ng Army Lady Troopers ang tatlong taong paghihintay para makatikim uli ng titulo sa Shakey’s V-League nang kunin ang 25-14, 25-7, 25-23, panalo sa dating kampeon Cagayan Valley Lady Rising Suns sa Game Two ng Season 11 Open Conference Finals kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Walang naging problema ang Lady Troopers sa unang dalawang sets dahil nagdomina ang kanilang mga spikers at inulan ng errors ang Lady Rising Suns.

Pero sa ikatlong set ay sinikap ng Cagayan na makatikim ng isang set panalo nang gumana sina Joy Benito, Wenneth Eulalio at Pau Soriano.

Ang natatanging ko­po­nan sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s  na nakapagtala ng 16-0 sweep ay lumamang pa sa 23-21 ngunit sadyang wala sa koponan ang suwerte para makumpleto ng Army ang 6-0 set sweep sa dalawang laro sa championship round.

“Overwhelming ang pakiramdam dahil ngayon lamang ako nag-champion kasama ang Army fa­mily,” wika ni Jovelyn Gonzaga na tumapos taglay ang 12 kills tungo sa 13 puntos bukod sa 11 digs.

Dahil sa magandang ipinakita sa best-of-three series, si Gonzaga rin ang ginawaran ng Finals MVP sa ligang may ayuda pa ng Accel at Mikasa.

Ikalawang Finals MVP ito ni Gonzaga na isasama niya sa Conference MVP noong nakaraang taon sa second conference at ang titulo ang pa­ngalawang sunod niya at ni Rachell Ann Daquis matapos tulungan ang FEU na manalo sa first confe­rence.

Naunang nagwagi ang PLDT Home Telpad sa Air Force sa straight sets, 25-18, 25-23, 25-15, para magtabla ang dalawa sa 1-1.

Pero dahil natapos na ang Finals, tiningnan ang quotient ng dalawang laro para sa third place at ang PLDT ang siyang umokupa sa puwesto dahil ang talo nila sa Game One sa Air Force ay sa four sets. (AT)

vuukle comment

AIR FORCE

ARMY LADY TROOPERS

CAGAYAN VALLEY LADY RISING SUNS

GAME ONE

GAME TWO

GONZAGA

HOME TELPAD

IKALAWANG FINALS

JOVELYN GONZAGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with