^

PSN Palaro

China pinakamalaki ang delegasyon sa Asiad

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Determinado ang Chi­na na mapalawig sa siyam na sunod ang pagdodomina sa Asian Games matapos magsumite ng pinakamalaking bilang ng atleta na sasali sa 2014 edisyon na gagawin sa Incheon, Korea.

Sa datos na inilabas ng website ng Olympic Council of Asia (OCA) na siyang mamamahala sa kompetisyon, ang China ay may 899 atleta na kinatatampukan ng 470 kalalakihan at 429 kababaihan.

Mas malaki ang ka­nilang bilang kumpara sa host South Korea na may pangalawang pinakama­laking bilang na 831 atleta (454-377) habang ang Japan ang nasa ikatlo sa 716 atleta (380-336).

Binigyang buhay noong 1951, dalawang bansa pa lamang ang lumabas na overall champion ng kompetisyon at ang Japan ay may walong overall titles mula 1951 sa New Delhi hanggang 1978 sa Bangkok, Thailand bago pumalit ang China mula 1982 sa New Delhi, India hanggang noong 2010 sa Guangzhou, China.

Nakatala naman sa website na 152 (100-52) ang bilang ng atleta ng Pilipinas ngunit ayon sa isang Asian Games Task Force member ay nasa 150 lamang ito.

“So far, our delegation is at 150,” wika ni Romy Magat, isang TF member at sec-gen ng Philippine Tennis Association (Philta).

Lalabas ang Pilipinas na ikalimang may pinakamaraming atleta sa hanay ng mga bansa sa South East Asia.

Ang SEAG champion Thailand ang may pinakamaraming bilang na 517 atleta (243-274) bago sinundan ng Malaysia (288), Singapore (227) at Vietnman (200).

May posibilidad pa na bumaba pa ang bilang ng delegasyon dahil sasalain pa ang mga manlalarong ipinatala base sa eligibi­lity requirements tulad ng 3-year residency rule.

 

vuukle comment

ASIAN GAMES

ASIAN GAMES TASK FORCE

ATLETA

NEW DELHI

OLYMPIC COUNCIL OF ASIA

PHILIPPINE TENNIS ASSOCIATION

PILIPINAS

ROMY MAGAT

SOUTH EAST ASIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with