^

PSN Palaro

Lady Troopers kukunin na ang titulo

ATan - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon

(The Arena, San Juan City)

12:45 p.m. PLDT vs Air Force

2:45 p.m. Army vs Cagayan Valley        

 

MANILA, Philippines - Pagsisikapan ngayon ng Army Lady Troopers na tapusin na ang tagisan nila ng Cagayan Valley Lady Rising Suns para sa Shakey’s V-League Season 11 Open Confe-rence title sa Game Two na gagawin sa The Arena sa San Juan City.

Galing ang Lady Troo­pers sa 25-19, 18-25, 25-18, 25-5, panalo sa nagdedepensang kampeon Lady Rising Suns noong nakaraang Huwebes para mangailangan na lamang na magwagi ngayon tungo sa sweep sa best-of-three championship series.

Magsisimula ang laro sa ganap na alas-2:45 ng hapon at mapapanood din ito ng live sa GMA News TV.

Unang magtutuos sa ganap na alas-12:45 ng hapon ang PLDT Home Telpads Turbo Boosters at Air Force Air Spikers at hanap ng huli ang mama­yagpag uli para kunin ang ikatlong puwesto.

“Defending champion sila at mahirap na bigyan sila ng momentum. Isa pa, maglalaro rin kami sa AFP Olympics na magsisimula sa Martes kaya gusto na rin naming tapusin ito,” wika ni Army coach Rico de Guzman.

Tatlong bagay ang nais niyang makita sa mga alipores para makuha ang ikalawang titulo sa ligang inorganisa ng Sports Vision at handog ng Shakey’s bukod sa ayuda  ng Accel at Mikasa.

Ang mga ito ay reception, blocking at depensa para tuluyang mauwi ang kampeonato at itabi sa ko­ronang napanalunan  noon pang 2011.

Handa naman ang Cagayan na mailabas ang angking galing upang maihirit ang do-or-die Game Three sa Setyembre 7.

 Sina Aiza Maizo at Rosemarie Vargas ay may 12 at 10 puntos sa unang tagisan at siya muli ang aasahan para pangunahan ang laban.

Pero dapat na manumbalik ang kinang nina Pau Soriano, Ma. Angeli Ta-baquero, Analyn Joy Benito at Janine Marciano na napatahimik ng depensa ng Army.

vuukle comment

AIR FORCE

AIR FORCE AIR SPIKERS

ANALYN JOY BENITO

ANGELI TA

ARMY LADY TROOPERS

CAGAYAN VALLEY

CAGAYAN VALLEY LADY RISING SUNS

SAN JUAN CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with