^

PSN Palaro

Cagayan tiwalang makakabangon

Pilipino Star Ngayon

Laro Bukas

(The Arena, San Juan City)

12:45 p.m. Air Force

vs PLDT Home Telpad

2:45 p.m.   Army

 vs Cagayan

 

MANILA, Philippines - Hindi na bago para sa Cagayan Valley Lady Ri­sing Suns ang malagay ang isang paa sa hukay kung ang pagdepensa sa hawak na titulo sa Shakey’s V-League Season 11 Open Conference ang pag-uusapan.

Kaya kahit natalo sila sa panimulang laro sa best-of-three Finals series sa Army Lady Troopers noong Huwebes ay mataas pa rin ang kumpiyansa ni Lady Rising Suns coach Nestor Pamilar na makakabawi sila sa Game Two bukas.

“Tight ang mga players kaya naging masama ang reception. Sa fourth set tuluyan na silang bumigay,” wika ni Pamilar sa tinamong  25-19, 18-25, 25-18, 25-5 pagkatalo.

Ang limang puntos na ginawa sa fourth set ang pinakamababang iskor sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s at may ayuda pa ng Accel at Mikasa.

Pero hindi na iniisip ng Cagayan ang nangyari at nakatuon na sila sa ikalawang tagisan.

Ang dalawang araw na break ay makakatulong para maibalik ng Cagayan ang focus sa serye.

“Kailangan lamang namin na maging consistent. Yung laro namin sa se­cond set, yun  ang tunay naming laro at naipakita nila na kaya nilang su­ma­bay sa Army. Kaila­ngan lamang na ganitong laro ang maipakita namin sa susunod na pagkikita,” banggit pa ni Pamilar.

Kung magtabla ang dalawang koponan, ang deciding Game Three ay pag­lalabanan sa Sept. 7.

Sina Aiza Maizo at Ro­semarie Vargas ay mayroong 12 5 at 10 puntos ngunit ang mga ibang inaasahan ay tila namalahibo.

Ang mga beteranang sina Pau Soriano, Wenneth Eulalio at Ma. Angeli Tabaquero ay naghatid lamang ng 7, 7 at 5 puntos.

Bukod sa opensa ay dapat ding tumibay ang kanilang depensa matapos pahintulutang magsanib sa 54 puntos sina Jovelyn Gonzaga, Mary Jean Balse, Rachel Ann Daquis at Nerissa Bautista. (AT)

vuukle comment

AIR FORCE

ANGELI TABAQUERO

ARMY LADY TROOPERS

CAGAYAN VALLEY LADY RI

GAME THREE

GAME TWO

HOME TELPAD

JOVELYN GONZAGA

LADY RISING SUNS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with