JRU sumalo uli sa no. 3
STANDINGS W L
San Beda 9 2
Arellano U 9 2
Perpetual Help 7 4
St. Benilde 7 4
Jose Rizal 7 4
Lyceum 5 6
Letran 4 7
EAC 3 8
San Sebastian 3 9
Mapua 2 10
Laro Ngayon
(The Arena, San Juan City)
12 nn San Beda
vs St. Benilde (Jrs)
2:30 p.m. San Beda
vs St. Benilde (Srs)
MANILA, Philippines - Maagang nag-init ang kamay ni Philip Paniamogan upang bigyan ng malaking kalamangan ang host Jose Rizal University Heavy Bombers tungo sa 73-54 panalo sa Emilio Aguinaldo College Generals sa 90th NCAA men’s basketball kahapon sa The Arena sa San Juan City.
Walo sa 12 puntos sa laro ni Paniamogan ang ginawa niya sa unang yugto para itulak ang Heavy Bombers sa 22-2 panimula bago nakontento sa 24-7 kalamangan.
Mula rito ay hindi na nakabangon pa ang Generals dahil gumana ang mga kamay nina Michael Mabulac, Jaycee Asuncion at Gio Nicole Lasquety para sumalo uli ang tropa ni coach Vergel Meneses sa ikatlo hanggang ikalimang puwesto sa 7-4 baraha kasama ng mga pahingang Perpetual Help Altas at St. Benilde Blazers.
“Maganda ang practice namin at nakita ito sa laro,” wika ni JRU coach Vergel Meneses.
Si Mabulac may double-double na 18 puntos at 14 boards bukod sa apat na assists habang sina Asuncion at Lasquety ay nagsanib sa 24 puntos para walisin ng JRU ang two-game series nila ng EAC.
Unang nanalo ang Bombers sa 81-79 iskor.
Sina Jerald Serrano at Jan Jamon ay may tig-16 puntos para sa Generals na hindi pa rin nagagamit ang serbisyo ni Noube Happi na may iniindang back problem tungo sa ikawalong pagkatalo sa 11 laro.
Umulit ang Mapua Cardinals sa San Sebastian Stags, 75-73, para wakasan ang apat na sunod na kabiguan tungo sa 2-10 baraha sa ikalawang laro.
May 14 puntos at limang steals si Hesed Gabo habang sina Joseph Eriobu, Exeqiel Biteng, Andrew Estrella at Jeson Cantos ang gumawa sa huling yugto para makumpleto ang pagbangon ng Cardinals mula sa mahinang panimula.
Dalawang tres ni Biteng ang nagtulak sa Mapua sa 71-66 ngunit sina Jaymar Perez, Bradwyn Guinto at Jamil Ortouste ay naglagak ng 7-2 palitan para magtabla ang dalawang koponan sa 73-all sa huling 42.5 segundo.
Pero nalibre si Estrella bago ang atake ni Perez ay kinapos para tanggapin ng Stags ang ikawalong sunod na pagkatalo.
(ATan/Merrowen Mendoza-trainee)
Jose Rizal 73 – Mabulac 18, Asuncion 14, Paniamogan 12, Lasquety 10, Abdul Wahab 9, Benavides 9, Salaveria 1, Astilla 0, Sanchez 0, Munez 0, Grospe 0, Teodoro 0.
EAC 54 – Serrano 16, Jamon 16, Onwubere 9, Tayongtong 7, Saludo 4, Arquero 2, Aguilar 0, Santos 0, Mejos 0, General 0, Quilanita 0
Quarterscores: 24-7; 41-23; 59-45; 73-54.
Mapua 75- Gabo 14, Estrella 14, Isit 12, Eriobu 12, Biteng 8, Cantos 7, Saitanan 4, Canaynay 2, Villasenor 2.
San Sebastian 73- Perez 26, Dela Cruz 16, Guinto 12, Ortuoste 11, Camasura 3, Yong 3, Calisaan 2, Balucanag 0, Fabian 0, Costelo 0, Aquino 0, Mercado 0.
Quarterscores: 23-18; 42-32; 57-53; 75-73.
- Latest