^

PSN Palaro

UST puntirya ang ika-2 vs Ateneo Feu lalapit sa semis

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

STANDINGS   W    L

FEU                   8     2

LA SALLE                    7     3

ATENEO                       7     3

NU                                 7     3

UST                   5     5

UE                                 5     5

UP                                 1     9

ADAMSON       0     10

 Laro Ngayon

(Smart Araneta Coliseum)

2 p.m. UP vs FEU

4 p.m. UST vs Ateneo

 

 

 

MANILA, Philippines - Matapos wakasan ang seven-game winning streak ng Green Archers para sa liderato, tatangkain ng Tamaraws na makalapit sa isang tiket sa Final Four.

Sasagupain ng Far Eastern University ang sibak nang University of the Philippines ngayong alas-2 ng hapon kasunod ang banggaan ng Ateneo De Manila University at University of  Sto. Tomas sa alas-4 sa second round ng 77th UAAP men’s basketball tournament sa Smart Araneta Coliseum.

Tangan ng FEU ang liderato sa kanilang 8-2 record.

Tinalo ng Tamaraws ang Green Archers, 74-70, noong Miyekules kasunod ang pagbiyahe ni head coach Nash Racela patungong Spain para sa kanyang papel sa coa­ching staff ng Gilas Pilipinas na sasabak sa 2014 FIBA World Cup.

Nalasap naman ng Fighting Maroons ang kanilang pang-siyam na kabiguan matapos isuko ang 65-77 pagkatalo sa Tigers noong Miyerkules kung saan kaagad napatalsik sa laro si rookie mentor Rey Madrid sa first period dahil sa dalawang technical fouls mula sa pagreklamo sa officiating.

Sa ikalawang laro, tatargetin naman ng UST ang kanilang ikalawang sunod na panalo sa pagharap sa Ateneo na nagmula sa kabiguan.

Nanalo ang Tigers sa Fighting Maroons, 77-65, tampok ang 16 points ni rookie forward Regie Boy Basibas para pigilin ang kanilang apat na sunod na kamalasan.

Nakatikim naman ang Blue Eagles ng 66-76 pagkatalo sa Bulldogs noong Agosto 24.

vuukle comment

ATENEO

ATENEO DE MANILA UNIVERSITY

BLUE EAGLES

FAR EASTERN UNIVERSITY

FIGHTING MAROONS

FINAL FOUR

GILAS PILIPINAS

GREEN ARCHERS

SMART ARANETA COLISEUM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with