^

PSN Palaro

Baste kukuha ng panalo vs Mapua JRU manggugulo sa puwestuhan sa No. 3

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bubulabugin uli ng host Jose Rizal University Heavy Bombers ang pu­westuhan sa hanay ng mga koponan na nasa unang hati ng standings habang bubuhayin pa ng San Sebastian Stags ang nanlalamig na kampanya sa 90th NCAA men’s basketball ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Kalaban ng Heavy Bombers ang Emilio Aguinaldo College Generals sa unang tipanan sa ganap na alas-2 ng hapon at balak ng bataan ni coach Vergel Meneses na saluhan uli ang Perpetual Help Altas at St. Benilde Blazers sa ikatlong puwesto sa 7-4 baraha.

Ang tampok na laro dakong alas-4 ng hapon ay sa hanay ng Stags at Mapua Cardinals na labanan ng mga koponang nasa huling dalawang puwesto sa liga.

May isang panalo lamang matapos ang 11 laro ang Cardinals habang ang Stags ay may 3-8 baraha at kahit masama ang pani­mula ay may tsansa pa ring bumangon at makahabol sa Final Four.

May seven-game lo­sing streak ang Stags at isa sa tumalo sa kanila ay ang Cardinals, 81-89, kaya’t asahan na lalo pang magsusumikap ang tropa ni coach Topex Robinson para ipakitang may kaka­yahan na makaalpas sa maagang pamamaalam sa liga.

Hawak ngayon ng Jose Rizal University ang 6-4 baraha para malagay sa ikalimang puwesto.

Galing din sila sa 77-84 pagkatalo sa overtime sa Letran Knights sa huling laro para matapos ang four-game winning run at maunsiyami ang patuloy na pagkapit sana sa ikatlong puwesto.

 

 

vuukle comment

EMILIO AGUINALDO COLLEGE GENERALS

FINAL FOUR

HEAVY BOMBERS

JOSE RIZAL UNIVERSITY

JOSE RIZAL UNIVERSITY HEAVY BOMBERS

LETRAN KNIGHTS

MAPUA CARDINALS

PERPETUAL HELP ALTAS

SAN JUAN CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with