Tigers bumangon nang gibain ang Maroons; Tamaraws sinuwag ang Archers para sa unahan
MANILA, Philippines - Winakasan ng Far Eastern University ang pitong sunod na ratsada ng nagdedepensang De La Salle University matapos kunin ang 74-70 panalo para angkinin ang liderato sa second round ng 77th UAAP men’s basketball tournament kagabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Nagtuwang sina Mike Tolomia at Mark Belo sa fourth quarter para ibigay sa FEU ang 8-2 record kasunod ang La Salle (7-3), National University (7-3), Ateneo (7-3), University of Sto. Tomas (5-5), University of the East (5-5) at mga sibak nang University of the Philippines (1-9) at Adamson University (0-10).
Mula sa 46-51 agwat sa third period ay bumangon ang Tamaraws para iwanan ang Green Archers sa 69-61 sa huling 2:55 minuto ng final canto.
Tuluyan nang sinelyuhan ng FEU ang kanilang panalo matapos ang free throw at basket ni Tolomia sa huling limang segundo.
Sa unang laro, nagtuwang sina import Karim Abdul at Regie Boy Basibas para igiya ang UST sa 77-65 panalo kontra sa UP.
Kumolekta si Abdul ng 21 points at 12 rebounds, habang nagtala ang rookie na si Basibas ng 16 markers at 18 boards. (RC)
UST 77 – Abdul 21, Basibas 16, Mariano 13, Vigil 11, Subido 7, Sheriff 4, Lo 2, Gayosa 2, Lao 1, Pe 0, Dela Cruz 0.
UP 65 – Reyes 22, Gingerich 9, Dario 9, Vito 8, Gallarza 7, Moralde 4, Lao 3, Juruena 3, Asilum 0, Amar 0, Harris 0, Bederi 0.
Quarterscores: 20-11; 36-29; 54-53; 77-65.
FEU 74 – Tolomia 22, Belo 11, Iñigo 10, Pogoy 7, Ru. Escoto 7, Jose 5, Cruz 4, Hargrove 4, Tamsi 4, Dennison 0, Ugsang 0.
La Salle 70 – Teng 28, N. Torres 13, Perkins 8, Vosotros 7, Van Opstal 5, Sargent 4, Montalbo 3, Rivero 2, Bolick 0, Andrada 0, Tratter 0.
Quarterscores: 15-19; 26-35; 52-51; 74-70.
- Latest