^

PSN Palaro

Kayang talunin ng Lady Rising Suns, Pamilar alam ang kahinaan ng Lady Troopers

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - May nakikitang kahinaan si Cagayan Valley Lady Rising Suns coach Nestor Pamilar sa Army Lady Troopers para maniwalang kaya pa rin na maidepensa ang titulo sa Shakey’s V-League Season 11 Open Conference.

“Army is strong team but beatable,” wika ni Pamilar na noong nakaraang taon ay winalis ang 16 na laro para makuha ang titulo.

Mas masalimuot ang dinaanan ng Cagayan ngayon dahil nanganib pa sila na matanggal sa kompetisyong inorganisa ng Sports Vision at handog ng Shakey’s bukod sa ayuda ng Accel at Mikasa.

Ngunit nanalo sila sa Air Force Air Spikers para malagay sa ikatlong puwesto sa semis bago winalis ang best-of-three series sa pumangalawang PLDT Home Telpad.

Sina Aiza Maizo, Janine Marciano, Pau Soriano, Rosemarie Vargas at libero Shiela Pineda ang mga gagawa para sa Cagayan.

“Para manalo ay dapat na tapatan namin ang ka­nilang agresibong pagla­laro,” dagdag pa ni Pamilar.

Bukas sisimulan ang best-of-three championship series at ang mananalo ay magkakaroon ng pagkakataon na angkinin ang titulo sa Linggo.

Kung magkaroon ng tabla, ang sudden-death ay paglalabanan sa Martes. 

vuukle comment

AIR FORCE AIR SPIKERS

ARMY LADY TROOPERS

CAGAYAN VALLEY LADY RISING SUNS

HOME TELPAD

JANINE MARCIANO

NESTOR PAMILAR

OPEN CONFERENCE

PAMILAR

PAU SORIANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with