^

PSN Palaro

Ika-7 asam ng Altas, Blazers

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ikapitong panalo ang kapwa aasintahin ng Perpetual Help Altas at St. Benilde Blazers sa magkahiwalay na laro sa 90th NCAA men’s basketball ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Kalaban ng Altas ang inspiradong Letran Knights sa ganap na alas-2 ng  hapon bago sundan ng pagkikita ng Blazers at Lyceum Pirates at ang ma­kukuhang panalo ay magpapanatili rin sa Perpetual at St. Benilde sa ikatlong puwesto.

Tinalo ng tropa ni coach Aric del Rosario ang Knights, 85-82, sa unang pagtutuos habang ang ba­taan ni coach Gabby Velasco ay humirit ng 86-77 panalo sa Pirates.

May 4-6 karta ang Knights at tiyak na bibigyan ng matinding laban ang Altas bunga ng magkasunod na panalo sa San Beda Red Lions at Jose Rizal University Heavy Bombers.

Galing si Mark Cruz sa paglista ng career-high 26 puntos sa 84-77 overtime panalo sa JRU at muling makikipagtulungan kina Kevin Racal at Rey Nambatac.

“Kailangang hindi magpabaya dahil mataas ang morale ng Letran,” babala  ni Altas coach Aric Del Rosario.

Ang mga napili sa PBA Rookie Draft na sina Juneric Baloria at Harold Arboleda ay makikipagsanib puwersa kay Earl Scottie Thompson at Justine Alano upang gumanda pa ang laban ng Altas  sa Final Four.

Sina Paolo Taha at Mark Romero na napili rin sa PBA drafting, ang ba­bandera naman para sa Bla­zers upang makadalawa sa Pirates.  

vuukle comment

ALTAS

ARIC DEL ROSARIO

EARL SCOTTIE THOMPSON

FINAL FOUR

GABBY VELASCO

HAROLD ARBOLEDA

JOSE RIZAL UNIVERSITY HEAVY BOMBERS

JUNERIC BALORIA

JUSTINE ALANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with