^

PSN Palaro

Blazers tumabla sa no. 3; Knights niyanig ang Bombers

ATan, MMendoza-trainee - Pilipino Star Ngayon

STANDINGS        W   L

San Beda                                8    2

Arellano U              8    2

Jose Rizal                6    4

St. Benilde             6    4

Perpetual Help     5    4

Lyceum                                   5    4

Letran                      4    6

EAC                           3    7

San Sebastian       3    7

Mapua                     1    9

Naghatid si Paulo Taha ng 24 puntos para pa­ngunahan ang St. Benilde Blazers sa 83-76 panalo laban sa Emilio Aguinaldo College Generals sa 90th NCAA men’s basketball kahapon sa The Arena sa San Juan Arena.

Lumayo ang Blazers sa 22 puntos, 60-38, sa kalagitnaan ng ikatlong yugto at kahit bumalikwas ang Ge­nerals ay may panapat ang St. Benilde para makatabla ang  host  Jose Rizal Heavy Bombers na yumuko sa Letran Knights, 84-77sa overtime sa ikalawang laro, sa ikatlong puwesto  sa 6-4 baraha.

Si Ariel Aguilar ang nag­lapit sa Generals sa apat, 69-73, pero gumawa ng tatlong sunod na puntos si Robert Bartolo para sa 6-2 palitan at iangat ang bentahe sa walo, 79-71.

Ang panalo ng Benilde ay pambawi rin sa 72-81 pagkatalo sa unang pagtutuos para itulak ang Gene­rals sa 3-7 karta. 

Gumawa ng 10 puntos sa overtime si Mark Cruz para iangat ang Letran Knights sa 5-4 kartada.

Tumapos si Cruz taglay ang 26 puntos bukod sa limang steals at dalawang assists at ang kanyang magkasunod na triples ang nagbukas ng 78-70 kalamangan para kunin ng Knights ang ikalawang sunod na panalo matapos ang 64-53 pananaig sa San Beda Red Lions sa pagtatapos ng unang round.

May 21 puntos, pitong rebounds at limang steals pa si Rey Nambatac para kunin ng Letran ang ikaapat na panalo matapos ang 10 laro.

Natapos ang apat na panalo ng Bombers para sa 6-4 baraha at napa­ka­walan nila ang panalo sa regulation nang nalibre ng kanilang depensa sa ilalim si Jamil Gabawan upang magtabla ang dalawang koponan sa 70-70.

 

Letran 47- Dungan 9, Gon­zales 9, Balanza 9, Ra­mirez 7, Rubite 5, Magsino 4, Gedaria 2, David 2, Villasis 0.

Jose Rizal 77- Paniamogan 26, Abdul Wahab 13, Mabulac 10, Lasquety 8, Sanchez 6, Teodoro 5, Asuncion 4, Grospe 3, Benavides 2, Balagtas 0

Quarterscores: 9-14; 34-33; 58-57; 70-all

St. Benilde 83- Taha 24, Grey 14, Romero 10, Ongteco 9, Bartolo 7, Jonson 6, Mercado 3, Nayve 2, Pajarilla 2, Saavedra 2, Deles 2, Sinco 1, Altamirano 1.

EAC 76- Onwubere 19, Aguilar 17, Tayongtong 15, Jamon 11, Serrano 9, Ar­quero 5, Santos 0, Mejos 0.

Quarterscores: 16-all; 39-35; 63-55; 83-76.

 

vuukle comment

ABDUL WAHAB

ARELLANO U

JOSE RIZAL

LETRAN

LETRAN KNIGHTS

PARA

SHY

ST. BENILDE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with