UAAP Men’s Basketball La Salle, FEU muling makikisalo sa itaas
STANDINGS W L
Ateneo 7 2
La Sale 6 2
FEU 6 2
NU 6 3
UST 4 4
UE 4 5
UP 1 7
Adamson 0 9
Laro Ngayon
(Mall of Asia Arena)
2 p.m. La Salle vs UP
4 p.m. UST vs FEU
MANILA, Philippines - Muling pipilitin ng Green Archers at ng Tamaraws na makisalo sa Blue Eagles sa liderato.
Lalabanan ng nagdedepensang De La Salle University ang University of the Philippines ngayong alas-2 ng hapon kasunod ang pagharap ng Far Eastern University at University of Sto. Tomas sa alas-4 sa second round ng 77th UAAP men’s basketball tournament sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Hawak ng Ateneo De Manila University ang liderato sa kanilang 7-2 record kasunod ang La Salle (6-2), FEU (6-2) at National University (6-3).
Pupuntiryahin ng Green Archers ang kanilang pang-pitong sunod na panalo matapos simulan ang torneo sa 0-2.
Nanggaling ang La Salle sa malaking 88-86 pagtakas sa Ateneo kung saan humakot si Jeron Teng ng season-high 32 points, 6 rebounds at 5 assists.
Matapos namang wakasan ang kanilang 27-game losing skid ay muling nakatikim ng kabiguan ang UP nang yumuko sa University of the East, 48-68.
“We don’t look at the team. Our attitude is always the same,” sabi ni head coach Juno Sauler sa pagtrato ng kanyang Green Archers sa Fighting Maroons.
Sa ikalawang laro, target ng Tamaraws ang kanilang ikaapat na sunod na panalo sa pagharap sa Tigers.
Umiskor ang FEU ng 74-70 overtime win kontra sa NU, habang nailusot naman ng UST ang 61-59 panalo laban sa Adamson University.
- Latest