^

PSN Palaro

Gilas nalagay sa No. 20 sa FIBA World Cup

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nasa itaas ang Li­thuania, Spain at US habang ang Gilas Pilipinas ay nasa ika-20th puwesto sa Power Ladder na inila­bas ng FIBA siyam na araw bago magbukas ang 2014 FIBA WORLD Cup sa Spain.

May 5-6 baraha ang Pilipinas sa mga larong hinarap mula Mayo 29. Kasama sa binilang ang pangalawang puwestong pagtatapos sa FIBA Asia Cup sa Wuhan, China at ang limang pagkatalo sa Antibes, France at  sa San Sebastian, Spain.

Hindi naman isinama ang resulta ng laro sa Mia-mi at Vitoria.

Kung ang kinabibila­ngang Group B sa World Cup ang pag-uusapan, ang tropa ni coach Chot Reyes ay nasa ikaapat na puwesto at angat sa Croatia at Senegal na mayroong 1-3 baraha.

Ang Puerto Rico ang nangunguna sa grupo sa 5-3 karta bago sinundan ng Greece (4-3) at Argentina (3-3).

Una sa pangkalahatan ang Lithuania na hindi natalo sa 10 laro habang ang Spain ay may 6-0 at ang US ay may 2-0.

Samantala, lumasap ng ikalimang sunod na kabiguan ang Gilas nang pabagsakin ng Angola, 74-83, na ginawa sa San Sebastian.

Tumapos si naturalized center Andray Blatche ng impresibong 33 puntos at 17 rebounds pero hindi sapat ito para manalo ang koponan.

Bigo man ay may positibong bagay na nakita sa laro ng koponan at bukod ang pagdodomina ni Blatche ay nakabalik na rin sa paglalaro si Jayson Castro na na-sprain sa laro laban sa Euzkadi-Basque noong Miyerkules.

Sa 15 minutong pag­lalaro si Castro ay naghatid ito ng dalawang puntos.

vuukle comment

ANDRAY BLATCHE

ANG PUERTO RICO

ASIA CUP

CHOT REYES

GILAS PILIPINAS

GROUP B

JAYSON CASTRO

POWER LADDER

SAN SEBASTIAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with