^

PSN Palaro

Draft applicants nalagasan ng 8

RCadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Mula sa record na 95 draft applicants ay naging 87 ang naiwan sa final draft pool na ihaharap sa 12 PBA teams sa 2014 Gatorade PBA Rookie Draft sa Linggo sa Robinson’s Place Manila.

Inalis ang walo sa listahan dahil hindi sumali sa Gatorade Rookie Draft Combine noong Lunes at Martes sa Gatorade Hoops Center sa Mandaluyong.

Nauna nang inihayag ng Globalport ang pagpili nila kay dating Penn State point guard Stanley Pringle bilang No. 1 overall pick sa 2014 PBA Draft.

Kung sakali, ang 27-anyos na si Pringle ang magiging ikatlong backcourt player sa loob ng 10 taon na nahirang na top draft selection matapos si Gabe Norwood noong 2008 at JVee Casio noong 2011.

Ang iba pang backcourt players sa draft pool ay sina Kevin Alas, Matt Ganuelas at Chris Banchero, bumandera sa idinaos na dalawang araw na Draft Combine.

Inaasahan ding makukuha sa first at second round sina Ronald Pascual, Jake Pascual, ang magpipinsang Gab Banal, Jonathan Banal at Frank Golla, Rome dela Rosa, Jonathan Belorio, Prince Caperal, Kyle Pascual, Mark Romero at kambal na sina David at Anthony Semerad.

Kumpara noong nakaraan taon, mas salat sa big men ang draft pool ngayong taon.

Noong 2013 ay itinampok ang mga higanteng sina seven-footer Greg Slaughter, 6’7 Ian Sangalang at 6’7 Raymond Almazan.

Sina 6’10 June Mar Fajardo at 6’3 Calvin Abueva ang bumandera noong 2012.

Wala namang nakikita ang Rain or Shine na mabigat na draftee kaya handa silang i-trade ang kanilang No. 2 pick.

Sa first-round draft order, ang Globalport at Rain or Shine ay susundan ng Barako Bull, NLEX, Alaska, Barangay Ginebra, San Mig Coffee (galing sa Barako na nakuha mula sa Petron/San Miguel Beer), Barako Bull (buhat sa Talk ‘N’ Text), Rain or Shine, Barako Bull (mula sa San Mig Coffee), Kia Motors at Blackwater Sports.

 

vuukle comment

ANTHONY SEMERAD

BARAKO BULL

BARANGAY GINEBRA

BLACKWATER SPORTS

CALVIN ABUEVA

CHRIS BANCHERO

DRAFT

DRAFT COMBINE

SAN MIG COFFEE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with