^

PSN Palaro

Cone hinirang na PBAPC Coach of the Year

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Si Tim Cone ang huling kumuha ng PBA Grand Slam at siya rin ang unang tao na muling nakagawa nito.

Labing walong taon m­a­tapos tulungan ang Alas­ka sa pagwalis sa tatlong komperensya noong 1996, nagbalik si  Tim Cone sa Promised  Land kasama si James Yap at ang San Mig Super Coffee Mi­xers para sa kanilang hindi mali­limutang kampanya sa 39th season.

Makaraang magkampeon sa season-ending Go­vernors’ Cup noong 2013, sinikwat ng Mixers ang PBA Grand Slam sa tulong ng dalawang maaasahang rookies.

Ngunit ang lahat ng pa­­puri ay nararapat para kay Cone, nakuha ang na­sabing mga tagumpay sa maikling panahon sa paggiya sa prangkisa.

Matatanggap ngayong gabi ni Cone ang kanyang reward sa pagtanggap ng Coach of the Year trophy sa 2014 PBA Press Corps Annual Awards Night sa Richmond Hotel sa Eastwood City sa Libis.

Ang Coach of the Year honor ay pangatlo ni Cone --kasama rito ang 1996 sea­son--para maging unang coach na nakakuha ng dalawang PBA Grand Slam.

Ang tropeo ay ipina­nga­lan kay legendary Virgilio ‘Baby’ Dalupan, ang winningest coach sa league history bago malampasan ni Cone sa pag-angkin sa All-Filipino conference nang maisubi ng 56-anyos na American ang kanyang ika-16 titulo.

Makakasama ni Cone sa limelight ng event na may temang ‘There Are Champions…and There Are Grand Slam Champions’! ay  si San Miguel Corp. president at chief operating officer Ramon S. Ang na gagawaran ng Exe­cutive of the Year award.

Sina cage great Atoy Co at Alaska team ma­nager Dickie Bachmann, miyembro ng Grand Slam teams mula sa iba’t ibang panahon, ang magsisilbing guest of honor na mangu­nguna sa pagpaparangal sa mga awardees sa formal rite.

vuukle comment

ANG COACH OF THE YEAR

ATOY CO

COACH OF THE YEAR

CONE

DICKIE BACHMANN

EASTWOOD CITY

GRAND SLAM

JAMES YAP

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with