^

PSN Palaro

Binawian ang UE Ateneo nagsolo

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

Laro sa Sabado

(Mall of Asia Arena)

2 p.m. La Salle vs UP

4 p.m. UST vs FEU

 

MANILA, Philippines - Muling sinolo ng Blue Eagles ang liderato kasabay ng pagpigil sa two-game winning run ng Red Warriors.

Bumangon ang Ateneo mula sa naunang kabiguan para talunin ang University of the East, 78-73, sa se­cond round ng 77th UAAP men’s basketball tournament kagabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Kinuha ng Blue Eagles ang kanilang pang-pitong panalo sa siyam na laban para muling manguna sa torneo.

Kumamada si Chris Newsome ng season-high 23 points, habang humakot si Kiefer Ravena ng 16 points, 8 rebounds at 7 assists para sa Katipunan-based team.

Nagmula ang Ateneo sa 86-88 kabiguan sa nag­dedepensang La Salle noong Linggo na pumigil sa kanilang three-game winning streak.

Mula sa 59-62 agwat ay inagaw ng Ateneo ang unahan sa 68-62 sa 4:51 minuto ng fourth quarter bago nakatabla ang UE sa 71-71 sa huling 1:43 minuto.

Huling nakadikit ang Red Warriors sa 72-73 mula sa split ni Eric Palma sa natitirang 33.4 segundo kasunod ang three-point shot ni Ravena para ilayo ang Eagles sa 76-72 sa nalalabing 14.2 segundo.

Sa unang laro, kuma­wala ang National Univer­sity sa second period para gibain ang Adamson University, 71-50, para sa kanilang pang-anim na panalo sa siyam na laro.

Mula sa 18-14 abante sa opening quarter ay nilimita ng Bulldogs ang Falcons, nalasap ang kanilang ika-siyam na sunod na ka­malasan, sa isang basket sa kabuuan ng second period para kunin ang 42-16 kalamangan sa halftime.

 NU 71 – Alolino 14, Kho­buntin 12, Aroga 7, Rosario 6, Betayene 6, Javelona 6, Celda 6, Diputado 5, Alejandro 3, Neypes 3, Perez 2, Salim 1, Atangan 0, Cauilan 0.

Adamson 50 – Trollano 15, Rios 10, Inigo 7, Nalos 7, Garcia 6, Aquino 3, Ochea 2.

Quarterscores: 18-14; 42-16; 59-28; 71-50.

Ateneo 78 – Newsome 23, Ravena 16, Pessumal 13, Elorde 11, Gotladera 11, Babilonia 2, Capacio 1, T. Ravena 1, A. Tolentino 0,.

UE 73 – Mammie 15, Sumang 10, Varilla 8, De Leon 8, Olayon 7, Alberto 7, Jumao-as 7, Arafat 4, Palma 3, Galanza 2, Javier 2, Guiang 0.

Quarterscores: 15-11; 35-32; 54-51; 78-73.

 

vuukle comment

ADAMSON UNIVERSITY

ATENEO

BLUE EAGLES

CHRIS NEWSOME

LA SALLE

MALL OF ASIA ARENA

RAVENA

RED WARRIORS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with