^

PSN Palaro

Algieri may bagong hamon kay Pacquiao

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - May bagong hamon ang ipinukol ni Chris Algieri sa Pambansang kamao na si Manny Pacquiao, na sumali ito sa Ice Bucket Challenge na patok ngayon sa social media.

Ang Ice Bucket Challenge ay ipinauso ni Pat Quinn ng New York para ma­kalikom ng pondo na ga­gamitin para itustos sa pagpapaintindi sa Amyotro­phic Lateral Sclerosis (ALS) o Lou Gehrig’s Disease.

Nasa 30,000 mamama­yan ng US ang apektado na ng ALS na inaatake ang utak at spinal cord ng biktima para maging pa­ralitiko na ito. Wala pang nalalamang gamot sa natu­rang sakit.

Ang mga tumanggap sa hamon ay binubuhusan ng nagyeyelong tubig at kabilang sa mga kilalang personalidad na gumawa nito ay sina Justin Timber­lake, Jennifer Lopez, Oprah, Lebron James, Bill Gates at Marc Zuckerberg.

May $15 milyon na ang pondong nalikom at halos doble na ang pera kumpara noong  nakaraang taon na nasa $8 milyon lamang.

Inilabas ni Algieri ang hamon kay Pacquiao bago siya binuhusan ng nagye-yelong tubig.

“I am not issuing a challenge to anybody else, the only person I am challenging is the person I am challenging on November 22nd, and that is Manny Pacquiao,” wika ni Algieri.

May 24 oras si Pacquiao para tugunan ang hamon sa pamamagitan ng video recorder.  Kung hindi niya ito kagatin, mapipilitan siyang mag-donate ng halaga sa isang ALS charity na kanyang napipisil.  

vuukle comment

ALGIERI

ANG ICE BUCKET CHALLENGE

BILL GATES

CHRIS ALGIERI

ICE BUCKET CHALLENGE

JENNIFER LOPEZ

JUSTIN TIMBER

LATERAL SCLEROSIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with