^

PSN Palaro

Eagles gustong lumipad uli sa itaas

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pipilitin ng Blue Eagles at ng Bulldogs na makabangon mula sa nalasap na kabiguan, samantalang target ng Red Warriors ang kanilang ikatlong sunod na panalo.

Lalabanan ng Ateneo De Manila University ang University of the East nga­yong alas-4 ng hapon matapos ang banggaan ng National University at A­damson University sa alas-2 sa second round ng 77th UAAP men's basketball tournament sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Kasalukuyang magkakasalo sa liderato ang nagdedepensang De La Salle University, Far Eas­tern University at Ateneo sa magkakatulad nilang 6-2 record.

Nanggaling ang Blue Eagles sa 86-88 kabiguan sa Green Archers noong Linggo na pumigil sa ka­nilang three-game winning streak.

Matapos namang mahulog sa isang four-game losing slump ay bumalikwas ang Red Warriors para magposte ng dalawang sunod na panalo, ang huli ay sa 68-48 paggiba sa University of the Philippines Maroons kung saan hindi nakalaro si point guard Roi Sumang dahil sa sprained ankle injury.

Nauna nang tinalo ng UE ang Ateneo sa overtime, 93-91, kung saan nagtala si Sumang ng career-high na 30 points at 7 assists noong Agosto 10.

Sa unang laro, pipilitin ng Bulldogs at ng Falcons na makabawi mula sa kani-kanilang pagkatalo.

Nabigo ang NU sa FEU sa overtime, 70-74, noong Agosto 17, habang nalasap ng Adamson ang kanilang ika-walong sunod na kama­lasan matapos sumuko sa University of Sto. Tomas, 59-61, noong Agosto 16.

vuukle comment

AGOSTO

ATENEO

ATENEO DE MANILA UNIVERSITY

BLUE EAGLES

DE LA SALLE UNIVERSITY

FAR EAS

GREEN ARCHERS

RED WARRIORS

UNIVERSITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with