^

PSN Palaro

Patayan ang labanan sa Shakey’s V-League q’finals

Pilipino Star Ngayon

Laro Bukas

 (Quarterfinals)

2 p.m. Air Force

vs National U

4 p.m. PLDT Home Telpad vs Ateneo

 

MANILA, Philippines - Tataas ang antas ng laro sa Shakey’s V-League Season 11 Open Confe­rence dahil ang apat na mauunang puwesto na lamang ang paglalabanan sa pagbubukas ng quarterfinals bukas sa The Arena sa San Juan City.

Ang PLDT Home Telpad Turbo Boosters, Army Lady Troopers at Cagayan Valley Lady Rising Suns ay pare-parehong may 6-1 karta at halos naisulong na ang isang paa sa semifinals dahil nasa dalawang laro o higit pa ang layo nila sa tatlong iba pang ko­ponan na Air Force Air Spikers, National University Lady Bulldogs at Ateneo Lady Eagles.

Single round robin ang magaganap at limang laro na lamang ang haharapin  ng anim na nakatayong koponan para makita kung sino ang mamamaalam pa sa ligang inorganisa ng Sports Vision at handog ng Shakey’s  bukod sa suporta ng Accel at Mikasa.

Samantala, si Alyssa Valdez ng Lady Eagles ang nangunguna pa rin sa scoring matapos ang elimination round.

Siya ay naghahatid ng 27-hit kada laro  matapos ang kabuuang185 puntos.

Si Jaja Santiago ng Lady Bulldogs ang number two sa 118 puntos pero lalabas na ang 6’4 spiker ang pinaka-accurate spiker sa 44.81 success rate.

Pinakamahusay na blocker si Pau Soriano ng Cagayan sa .75 average kada set habang si Rachel Ann Daquis ng Army ang numero uno sa service sa 15 aces sa 91 tries para sa .60 clip.

Ang kakampi ni Soriano na si Shiela Pineda ang best digger sa 3.08 ave­rage kada set habang si Rhea Dimaculangan ng Air Foce ang top setter sa 7.54 average kada set. (AT)

vuukle comment

AIR FOCE

AIR FORCE

AIR FORCE AIR SPIKERS

ALYSSA VALDEZ

ARMY LADY TROOPERS

ATENEO LADY EAGLES

CAGAYAN VALLEY LADY RISING SUNS

HOME TELPAD

HOME TELPAD TURBO BOOSTERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with