^

PSN Palaro

Bulldogs uupuan ang solong liderato vs Falcons

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Punitrya ng Bulldogs ang pagsakmal sa liderato, habang hangad ng Tamaraws ang kanilang ikalawang sunod na panalo.

Lalabanan ng National University ang mapanganib na Adamson ngayong alas-4 ng hapon matapos ang banggaan ng FEU at UE sa alas-2 sa elimination round ng 77th UAAP men’s basketball tournament sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Magkasalo sa liderato ang NU at Ateneo sa ka­ni­lang magkatulad na 3-1 record kasunod ang FEU (2-1), UE (2-1), UST  (2-1), nagdedepensang La Salle (2-2), Adamson (0-3) at UP (0-4).

Nanggaling ang Bulldogs ni coach Eric Altamirano sa 64-60 panalo laban sa Blue Eagles noong nakaraang Sabado.

Nakalasap naman ang Falcons ni rookie mentor Kenneth Duremdes sa 49-50 kabiguan sa Tigers.

Sinabi ni Altamirano na hindi dapat magkumpiyansa ang NU sa pagharap sa Adamson.

“We can’t be complacent against Adamson,” wika ni Altamirano. “They’re a young team and yet we saw they can keep up with a veteran team like UST. So we have to prepare and bring our A-game against Adamson.”

Sa panalo ng Bulldogs sa Blue Eagles ay nagbida sina Paul Javelona at Rev Dupitado.

Sa unang laro, target ng Tamaraws ang kanilang pangalawang sunod na ratsada sa pagharap sa Red Warriors.

Umiskor ang FEU ng 85-71 panalo laban sa UP, samantalang nakalasap ang UE ng 58-60 pagyuko sa La Salle.

vuukle comment

ADAMSON

ALTAMIRANO

BLUE EAGLES

ERIC ALTAMIRANO

KENNETH DUREMDES

LA SALLE

MALL OF ASIA ARENA

NATIONAL UNIVERSITY

PASAY CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with