^

PSN Palaro

Shakey’s V-league lady troopers makikisalo sa itaas

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Matapos  ang nabigong sweep, plano ngayon ng Army Lady Troopers na saluhan ang PLDT Home Telpad Turbo Boosters sa unang puwesto sa pagpa­patuloy ng Shakey’s V-League Season 11 Open Conference sa The Arena sa San Juan City.

Kalaban ng Lady Troo­pers ang Ateneo Lady Eagles na magsisimula matapos ang tagisan ng National University Lady Bulldogs at Air Force-Air Spikers sa unang laro sa ganap na alas-2 ng hapon.

Kumpleto na ang anim na koponan na aabante sa quarterfinals sa ligang inorganisa ng Sports Vision at handog ng Shakey’s dahil ang UP Lady Maroons at PNP Lady Patrollers ay na­­maalam na sa magkapa­rehong 0-6 baraha.

Pero pukpukan pa rin sa mahahagip na panalo sa ligang may ayuda pa ng Accel at Mikasa dahil carry-over ang karta ng anim na aabante sa susunod na round.

Lumasap ng unang pag­katalo ang Army sa kamay ng nagdedepensang kampeon Cagayan Valley Lady Rising Suns para maisuko ang liderato sa pahingang Turbo Boos­ters (6-1).

Tiyak na magpupursigi sina Rachel Ann Daquis, Jovelyn Gonzaga, Mary Jean Balse, Nerissa Bautista at Tina Salak para makabangon agad.

Hindi naman puwedeng maliitin ang determinasyon ng Lady Eagles na natalo sa Lady  Bulldogs sa huling laro.

Ang nangungunang scorer ng liga na si Alyssa Valdez ang mangunguna uli para sa Lady Eagles ngunit dapat na manumbalik ang sigla ng paglalaro nina Michelle Morente, Amy Ahomiro at Julia Morada para tumibay ang tsan­sang makuha ang ikat­long panalo matapos ang anim na laro.

Ikaapat na panalo ma­tapos ang pitong laro ang nakataya sa mananalo sa NU at Air Force para ma­solo ang ikaapat na pu­westo sa standings.

Sina Jaja Santiago at Myla Pablo ang magtutu­long uli para sa Lady Bull­dogs upang wakasan ang kampanya sa elims bitbit ang dalawang sunod na panalo.

Sa kabilang banda, nais ng Air Spikers na putulin ang dalawang dikit na kabiguan at sina Maika Ortiz at Joy Cases ang magdadala sa kanilang laban.

 

vuukle comment

AIR FORCE

AIR FORCE-AIR SPIKERS

AIR SPIKERS

ALYSSA VALDEZ

AMY AHOMIRO

ARMY LADY TROOPERS

LADY

LADY EAGLES

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with