^

PSN Palaro

Blatche, Gilas magkasama na sa training sa Miami

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umaasa si national head coach Chot Reyes na ma­ka­­katulong sa kanilang paghahanda para sa darating na 2014 FIBA World Cup sa Spain ang kanilang four-day training camp sa Miami, Florida.

Lalo pa at kasama na nila si naturalized center Andray Blatche.

Sa ipinosteng litrato sa Twitter account ni head coach Chot Reyes na @coachot ay nakita ang 6-foot-11 na si Blatche kasama ang mga miyembro ng Nationals.

“Day 2 of Miami Camp now in d books #GilasRoad2Spain #PlayPinoy,” sabi ni Reyes sa kanyang Twitter matapos ang ensayo ng Gilas Pilipinas.

Hindi nakasama ang 6-foot-11 na si Blatche, naglaro sa NBA para sa Brooklyn Nets, sa kampanya ng Natio­nals sa nakaraang 2014 FIBA Asia Cup sa Wuhan, China kung saan nila kinuha ang bronze medal.

Ang nasabing four-day training camp sa Miami ay bahagi ng preparasyon ng Gilas Pilipinas para sa darating na FIBA World Cup na nakatakda sa Agosto 30 hanggang Setyembre 14 sa Spain.

Isa lamang kina Blatche at 6’11 naturalized player Marcus Douthit ang maaaring maglaro bilang natura­lized player ng bansa sa FIBA World Cup base na rin sa patakaran ng basketball federation.

Kasama ng Gilas sa Group B  ang Argentina, Croatia, Greece, Puerto Rico at Senegal.

 

vuukle comment

ANDRAY BLATCHE

ASIA CUP

BROOKLYN NETS

CHOT REYES

GILAS PILIPINAS

GROUP B

MARCUS DOUTHIT

MIAMI CAMP

WORLD CUP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with