Love umayaw na rin, ‘di na lalaro sa US team sa Spain
LAS VEGAS - Nagdesisyon si Minnesota Timberwolves star forward Kevin Love, hinahabol ng mga trade deals ng ilang NBA clubs, na huwag maglaro para sa United States sa darating na FIBA World Cup.
Inihayag ng USA Basketball na hindi sasali si Love, miyembro ng 2012 London Olympic gold-medal US team, sa kanilang training camp sa Las Vegas, Nevada simula sa Lunes “dahil sa kasalukuyan niyang estado.”
Ang nasabing status ay kaugnay sa pag-iisip ni Love kung saang koponan maglalaro sa susunod na NBA season.
Ang hindi niya paglalaro sa World Cup ang magpapaliit sa kanyang tsansang magkaroon ng injury.
Tumapos ang Timberwolves na may 40-42 record noong nakaraang season at nabigong makapasok sa NBA playoffs sa kabila ng pagtatala ni Love ng mga averages na 26.1 points, 12.5 rebounds at 4.4 assists per game.
Isa ang Cleveland Cavaliers, nakuha sina four-time NBA Most Valuable Player LeBron James at guard Kyrie Irving, sa mga NBA teams na gustong kumuha kay Love para mabuo ang sarili nilang “Big Three”.
Ang iba pang nasa US world squad ay sina NBA scoring champion Kevin Durant, Houston guard James Harden at New Orleans playmaker Anthony Davis.
- Latest