^

PSN Palaro

Lady Rising Suns giniba ang Maroons, sumalo sa 2nd

ATan/MM - Pilipino Star Ngayon

Laro Bukas

(The Arena, San Juan City)

2 p.m. NU vs Air Force

4 p.m.  Ateneo vs Army

MANILA, Philippines - Pinangatawanan ng nagdedepensang kampeon Cagayan Valley Lady Rising Suns ang kanilang estado nang kunin ang 25-15, 25-19, 25-16, panalo sa UP Lady Maroons sa Shakey’s V-League Season 11 Open Conference kahapon sa The Arena sa San Juan City kahapon.

Sina Pau Soriano at Aiza Maizo ay naghatid ng 13 at 12 puntos sa tatlong sets habang si Janine Marciano ay may 12 puntos pa sa limitadong dalawang set na paglalaro para saluhan ng Lady Rising Suns ang pahingang Army Lady Troopers sa ikalawang puwesto sa 5-1 karta.

Ang panalo ay nagsilbing tiket din ng Ateneo Lady Eagles at National University Lady Bulldogs para pumasok sa quarterfinals sa ligang inorganisa ng Sports Vision at handog ng Shakeys bukod sa suporta ng Mikasa at Accel.

Ito ay dahil ang pagka­talo ng Lady Maroons ay kanilang ikaanim na sunod para samahan ang PNP Lady Patrollers (0-6) na namaalam na sa walong ko­ponang liga.

Dominado ng Cagayan ang lahat ng aspeto ng laro dahil angat sila sa attacks, 47-28, may 6-3 lamang sa blocks at kinapitalisa ang mahinang reception ng UP sa 12-2 lead sa serve.

Nagsanib sina Maiza at Soriano sa 20 kills bukod sa apat na blocks habang si Marciano ay may tatlong aces.

Si Katherine Bersola ang natatanging manlalaro ng UP na nasa double-di­gits sa kanyang 10 puntos na nakuha mula sa pitong kills, dalawang aces at isang block.

Nasa unang puwesto ang PLDT Home Telpad Turbo Boosters bitbit ang 6-1 karta pero puwedeng magkaroon ng triple-tie sa unang puwesto kung manalo ang Cagayan at Army sa Ateneo na siya nilang huling asignatura sa elimination round.

Ang mangungunang anim na koponan ay aabante sa quarters bitbit ang kanilang win-loss record.

Sasailalim uli sa single round robin ang mga umabante para madetermina ang apat na koponan na magtutuos sa cross-over semifinals upang makita kung sino ang dalawang koponan na maglalaban sa kampeonato.

vuukle comment

AIR FORCE

AIZA MAIZO

ARMY LADY TROOPERS

ATENEO

ATENEO LADY EAGLES

LADY

LADY MAROONS

SAN JUAN CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with