^

PSN Palaro

90th NCAA Men’s Basketball: Blazers susubukang pigilan ang Bedans

ATan - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon

(The  Arena, San Juan City)

12 nn  San Beda vs St. Benilde (Jrs/Srs)

4 p.m.  Mapua vs San Sebastian (Srs/Jrs)

MANILA, Philippines - Masusukat ngayon ang tunay na determinasyon ng St. Benilde Blazers sa pagbangga sa four-time defending champion San Beda Red Lions sa 90th NCAA men’s basketball sa The Arena sa San Juan City.

Nanalo ang Blazers sa huling dalawang laro para matabunan ang tatlong dikit na pagkatalo na bumulaga sa pagsisimula ng kampan­ya sa pinakamatandang col­legiate league sa bansa.

“We’re winning because the players are sho­wing poise,” wika ni Blazers coach Gabby Velasco.

Sa ganap na alas-2 ng hapon sasalang ang Bla­zers laban sa Lions na hindi pa natatalo matapos ang limang sunod na panalo.

Kailangan din ng tropa ni coach Boyet Fernandez ang tagumpay para manatiling hawak ang liderato sa liga.

Kung malasin ang San Beda, makakasalo ang Arellano Chiefs sa unang puwesto tangan ang 5-1 baraha.

“Our offense is our defense and we expect to use that against St. Benilde,” pahayag ni Fernandez na huling tinalo ang Emilio Aguinaldo College Gene­rals, 81-55, sa huling laro.

Ang height advantage rin na taglay nina Ola Adeo­gun, Kyle Pascual at Arthur dela Cruz bukod sa opensa nina Baser Amer at Anthony Semerad ang mga gagamitin ng Lions para maitapat sa husay nina Paolo Taha, Mark Romero at Jonathan Grey.

Pagtatangkaan ng San Sebastian Stags ang umangat sa ikaapat na puwesto kung manalo sa Mapua Cardinals sa ikala­wang laro dakong alas-4 ng hapon.

Samantala, itinanghal si Jiovani Jalalon bilang ACCEL Quantum/3XVI NCAA Press Corps Player of the Week matapos gabayan ang Chiefs sa dalawang panalo sa nagdaang linggong aksyon.

May 21 puntos, 13 assists at 7 steals si Jalalon nang kunin ng Arellano ang 96-86 panalo sa San Sebastian habang may 16 puntos, pitong assists at anim na rebounds ang dating Informatics College player sa 97-85 tagumpay ng koponan sa Perpetual Help Altas.

Ang mga teammates na sina Keith Agovida at John Pinto ang mga nakaribal ni Jalalon sa lingguhang citation na suportado ng Accel Quantum, 3XVI, Mighty Mom anti-bacteris dishwashing liquid, Dr. J rubbing alcohol at Bactegel hand sanitizer.

vuukle comment

ACCEL QUANTUM

ANTHONY SEMERAD

ARELLANO CHIEFS

SAN

SAN BEDA

SAN JUAN CITY

SAN SEBASTIAN

ST. BENILDE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with