^

PSN Palaro

FEU, La Salle nanorpresa

ATan - Pilipino Star Ngayon

Laro sa Miyerkules

(Mall of Asia Arena)

2 p.m. FEU vs UE

4 p.m. Adamson vs NU

MANILA, Philippines - Nanumbalik ang shoo­ting touch ni Mike Tolomia para tulungan ang FEU sa 85-71 panalo laban sa UP sa 77th UAAP men’s basketball kahapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Isa lamang sa wa­long ipinukol ang isinablay ni Tolomia tungo sa 18 pun­tos at ang magandang ipinakita ay nakahawa kina Mark Belo at Roger Pogoy para maiangat ng FEU ang  kanilang baraha sa 2-1.

May 5-of-8 shooting si Belo tungo sa 12 puntos bukod sa 9 rebounds habang si Pogoy ay may 11 puntos at 8 boards.

Ang import na si Anthony Hargrove ay kumuha ng 10 puntos at 7 rebounds para sa tropa ni coach Nash Racela na kumawala sa ikatlong yugto tungo sa malaking panalo.

Ito ang ikaapat na talo sa season ng Maroons at ika-25 sunod mula 2012.

Samantala, naghatid ng 10 puntos sa huling yugto si Prince Rivero para tulu­ngan ang nagdedepensang La Salle na makabangon mula sa 10-puntos pagkakalubog sa ikatlong yugto tungo sa 60-58 panalo sa UE Red Warriors sa ikalawang laro.

Ang nakumpletong 3-point play ni Rivero laban kay Chris Javier ang siyang tuluyang  nagbigay ng kalamangan sa Archers, 56-54, bago ang kanyang reversed mula sa pasa ni Jeron Teng ang nag-angat sa Archers sa 60-56.

Kumana ng dalawang free throws si Roi Sumang sa sumunod na play at nasa UE ang opensa sa huling 14.3 segundo.

Pero kinapos ang atake ni Sumang para lasapin ng UE ang unang pagkatalo matapos ang tatlong laro at naitabla ng La Salle ang karta sa 2-2. FEU 85--Tolomia 18, Belo 12, Cruz 11, Pogoy 11, Hargrove 10, Dennison 7, Tamsi 4, Jose 4, Denila 3, Inigo 3, Delfinado 2.

UP 71 – Gallarza 18, Moralde 14, Lao 10, Ju­ruena 8, Amar 7, Asilum 6, Gin­gerich 3, Vito 3, Reyes 2.

Quarterscores: 28-21, 45-38, 70-46, 85-71

DLSU 60--Teng 18, N. Torres 14, Vosotros 12, Rivero 8, Van Opstal 5, Perkins 2, Tratter 1, Montalbo 0.

UE 58-- Sumang 16, Varilla 8, Mammie 8, Olayon 7, Galanza 5, Jumaoas 4, Alberto 4, Arafat 3, Javier 2, De Leon 1.

Quarterscores: 12-14; 26-28; 36-46; 60-58.

 

 

vuukle comment

ANTHONY HARGROVE

BELO

CHRIS JAVIER

DE LEON

JERON TENG

LA SALLE

MALL OF ASIA ARENA

MARK BELO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with