^

PSN Palaro

Nicholas nanawagan sa POC na suportahan ang PATAFA

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinayuhan ni Asian Athle­tics Association (AAA) secretary-general Maurice Nicholas ang Philippine Olympic Committee (POC) na ayusin na ang pakikitungo sa PATAFA ngayong may bagong liderato na ang nakaupo rito.

“They (POC) should support all the national fe­deration because that is their duty.  They should work very well with PATA­FA, which is a good stan­ding member of the AAA,” wika ni Nicholas.

Hindi nakapagpadala ng kinatawan ang POC sa halalan kahapon sa Orchids Garden Suites Ma­nila  pero pinagtibay ang aktibi­dades ng pagdalo ng tatlong  AAA officials bukod pa ng dalawang kinatawan ng Securities and Exchange Commission (SEC).

Nakasama ni Nicholas sina Virginia Ang at A. Shuggumarran habang ang SEC ay kinatawan nina Atty. Rudolph Van Guarin at Atty. Erwin Mendinneto.

Ang dating Philippine Sports Commission (PSC) chairman na si Philip Ella Juico ang iniluklok bilang bagong pangulo ng PATAFA kahalili ni Go Teng Kok na nanilbihan sa puwesto sa loob ng 24 taon.

Kahit si Juico ay nanini­wala na maaayos ang gusot na kinasuungan ng PATAFA sa POC at PSC dahil may mga komunikas­yon na silang ginawa bago pa man isinagawa ang halalan.

Isang General Assem­bly ang ipatatawag ng PATAFA sa Nobyembre ka­sabay ng National Open sa Pangasinan para maisa­ayos pa ang ilang probis­yon sa Constituiion at By-Laws ng PATAFA bago isumitte sa POC.

Batas ng SEC ang gina­mit sa halalan at naunang nagluklok ng 10 kinatawan ang mga botante bago nagbotohan ang mga napili kung sino ang mauupong opisyal.

Si Alipio Fernandez ang inilagay bilang chairman, si Atty. Nicanor Sering bilang vice president, si Lucy Arciaga bilang treasurer, Maricor Pachego bilang secretary at Jeanette Obie­na bilang auditor.

Si Go ay nakasama bilang board member bukod kina Cagayan de Oro Congressman Rufus Rod­riquez, Cham Teng Young at Pio Chua. (ATan)

vuukle comment

ASIAN ATHLE

BILANG

CHAM TENG YOUNG

ERWIN MENDINNETO

GO TENG KOK

ISANG GENERAL ASSEM

JEANETTE OBIE

LUCY ARCIAGA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with