^

PSN Palaro

Ph U-21 napasama sa mabibigat na kalaban

Olmin Leyba - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Makakasama ng Philippine Under-21 football team ang dating kampeon Thailand at palabang Myanmar sa 5th Hassanal Bolkiah Trophy mula Agosto 9 hanggang 23 sa Brunei.

Nasa Group  A ang Pilipinas at  minalas na makaka­sama ang 2005 at 2007 champion Thailand at Myanmar bukod sa Laos at Timor Leste.

Ang nagdedepensang kampeon Brunei ay nasa Group B kasama ang 2012 runner-up Indonesia, Vietnam, Singapore, Malaysia at Cambodia.

Ang pagsali ng Pilipinas na hahawakan ni Australian World Cupper Jim Fraser ay bilang  bahagi ng preparas­yon ng bansa para sa 2017 SEA Games.

Nasa Singapore ngayon ang Pambansang koponan para sa pagsasanay at kagabi ay hinarap ang Singapore U-21 team sa Yishuan Stadium sa Singapore.

Sumali rin muna ang koponan sa HBT na ikinokonsidera bilang premier U-21 tournament sa Southeast Asia.

Matapos ang pagsasanay sa Singapore, ang kopo­nan ay babalik sa Manila para sa isa pang Camp kasama ang mga senior players tulad nina Jason de Jong at Pa­trick Deyto na kasapi ng Azkals.

vuukle comment

AUSTRALIAN WORLD CUPPER JIM FRASER

BRUNEI

GROUP B

HASSANAL BOLKIAH TROPHY

MYANMAR

NASA GROUP

NASA SINGAPORE

PHILIPPINE UNDER

PILIPINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with