^

PSN Palaro

Eagles iiwas madungisan ng Bulldogs

Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon

(Mall of Asia Arena,

 Pasay City)

2 p.m.  UST vs Adamson

4 p.m.  Ateneo vs NU

 

MANILA, Philippines - Palalakasin pa ng Ate­neo ang kapit sa unang pu­westo sa pagpapatuloy ng 77th UAAP men’s basketball ngayon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Katipan ng Blue Eagles ang National University Bulldogs sa tampok na laro dakong alas-4 at puntirya ang ikaapat na sunod na panalo.

Huling pinabagsak ng tropa ni coach Bo Perasol ang UP Maroons, 86-75, at nagpatuloy ang magandang pagtutulungan ng mga beterano sa pangunguna ni Kiefer Ravena at mga baguhan tulad ni Arvin Tolentino.

Ang 6’4 forward-center na dating manlalaro ng San Beda ay gumawa ng 20 puntos laban sa Maroons upang magpatuloy ang pag-angat ng ipinakikita sa koponan.

“Alam ko na malaki ang kanyang potential at may ila­labas pa siya,” wika ni Perasol kay Tolentino.

Pero hindi lamang si To­lentino o Ravena ang da­pat na gumana ang kamay kundi pati ang iba pang kasamahan dahil ang NU ay  magsusumikap na buma­ngon matapos ang 55-57 pagkatalo sa La Salle sa huling laro.

Sina Alfred Aroga, Jo­shua Alolino at Jett Rosario ang mga magtutulong para sa koponan ni coach Eric Altamirano para manati­li sa ikatlong puwesto.

Ikalawang sunod na pa­nalo ang balak lapain ng UST Tigers sa pagbangga sa Adamson Falcons sa u­n-  ang laro sa alas-2 ng hapon.

Sinorpresa ng Tigers ang FEU sa huling laro, 69-67, para matabunan ang  pagkatalo sa NU, 40-59, sa unang laro.

Ang mga beteranong sina Kevin Ferrer at Karim Abdul ang mga mangu­nguna sa Tigers pero dapat na makitaan pa ng mas magandang numero si Aljon Mariano upang maipakita ng tropa ni rookie coach Segundo dela Cruz na palaban pa rin sila kahit wala na ang dating scorer na si Jeric Teng. (ATan)

vuukle comment

ADAMSON FALCONS

ALJON MARIANO

ARVIN TOLENTINO

BLUE EAGLES

BO PERASOL

ERIC ALTAMIRANO

MALL OF ASIA ARENA

PASAY CITY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with