^

PSN Palaro

Lady Archers dinurog ang Lady Maroons

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Walang patawad ang larong ipinakita ng nagdedepensang kampeon La Salle Lady Archers nang durugin ang UP Lady Maroons, 66-31, sa 77th UAAP women’s basketball kahapon sa Blue Eagle Gym.

May 11 puntos, pitong rebounds at apat na assists si Alyanna Ong habang may 10 puntos si Steph Vergara para sa Lady Archers na nanalo sa ikatlong sunod na laro.

Nasolo ng La Salle ang liderato nang tinalo ng UST Tigresses ang Ateneo Lady Eagles, 55-54, sa isa pang laro.

Tumayong bida para sa UST si Mariella Isanan na nakaiskor ng lay-up sa huling 15.7 segundo bago pinagmasdan na naisablay ni Sara Bo-ot ang kanyang drive.

May 14 puntos si Jen Angeles  habang 10 puntos at 14 rebounds ang ginawa ni Maica Cortes.

Si Claire Aseron at Hazelle Yam ay may 13 at 11 puntos para sa Ateneo na naramdaman ang limitadong paglalaro ni Danica Jose bunga ng fouls.

 

vuukle comment

ALYANNA ONG

ATENEO LADY EAGLES

BLUE EAGLE GYM

DANICA JOSE

HAZELLE YAM

JEN ANGELES

LA SALLE

LA SALLE LADY ARCHERS

LADY ARCHERS

LADY MAROONS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with