^

PSN Palaro

Lady Rising Suns tinapos ang Troopers

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinatahimik ng nagde­depensang kampeon Cagayan Valley Lady Rising Suns ang mga kamador ng Army Lady Troopers para patikimin ito ng kanilang unang kabiguan, 27-25, 20-25, 25-23, 25-22, sa Shakey’s V-League Season 11 Open Conference kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Hindi bumigay ang Lady Rising Suns sa mga krusyal na yugto sa huling dalawang sets na pinaglabanan para maisantabi ang pagkatalo sa second set at hagipin ang ikaapat na panalo sa limang laro.

Binigo rin ng Cagayan ang hangarin ng Army na maduplika ang sweep na naitala ng nasabing kopo­nan noong nakaraang taon sa ligang inorganisa ng Sports Vision at handog ng Shakey’s.

May 21 kills tungo sa 22 puntos si Aiza Maizo habang si Janine Marciano ay naghatid  pa ng 18 puntos na sinahugan ng 15 kills para bigyan ang Cagayan ng 55-53 kalamangan sa attack points.

Lamang din ng isang block ang nanalong kopo­nan,10-9, habang may 26 errors din ang Army na nakatulong sa panalo.

Si Shiela Pineda at Ro­semarie Vargas ay nagsanib 19 digs para ipakita ang magandang depensa ng Cagayan.

Sina Rachel Ann Da­quis, Nerissa Bautista at Jovelyn Gonzaga ay may 20, 16 at 13 puntos para sa Army na naisuko ang lide­rato sa ligang may ayuda pa ng Accel at Mikasa sa PLDT Home Telpad Turbo Boos­ters na nanalo sa Air Force Air Spikers sa naunang laro, 25-15, 26-24, 25-22.

May 18 kills tungo sa 19 puntos si Gretchel Soltones habang sina Sue Roces at Laurence Ann Latigay ay nagsanib sa 29 puntos para wakasan ng PLDT ang laro sa elimination round tangan ang 6-1 baraha.

Ito ang ikatlong kabiguan sa anim na laro ng Air Spikers na magtatangkang bumawi sa pagbangga sa National University sa pagtatapos ng eliminasyon sa Martes.

 

vuukle comment

AIR FORCE AIR SPIKERS

AIR SPIKERS

AIZA MAIZO

ARMY LADY TROOPERS

CAGAYAN VALLEY LADY RISING SUNS

GRETCHEL SOLTONES

HOME TELPAD TURBO BOOS

JANINE MARCIANO

JOVELYN GONZAGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with