Chiefs umeskapo sa Stags Altas pinigil ng Bombers
Laro Bukas
(The Arena, San Juan City)
12 nn Mapua vs St.Benilde (Jrs/Srs)
4 p.m. EAC vs Lyceum (Srs/Jrs)
MANILA, Philippines - Tinapos ng host Jose Rizal University ang tatlong sunod na panalo ng Perpetual Help 63-62, habang nagwagi ang Arellano sa San Sebastian, 96-86, para magkaroon ng pagbabago ang puwestuhan sa 90th NCAA men’s basketball kahapon sa The Arena sa San Juan City.
Nakuha ni Dave Sanchez ang natatanging offensive rebound sa laro sa huling 2.3 segundo sa sablay na attempt ni Philip Paniamogan tungo sa winning shot ng tagisan.
May anim na puntos lamang si Sanchez habang si Paniamogan ay may 16 puntos upang maitabla ng Heavy Bombers ang karta sa 3-3 bukod sa pagpapatikim ng unang kabiguan ng Altas.
Si Juneric Baloria na ang pinukol na 3-point attempt sa half court ay kinapos, ay mayroong 22 puntos habang si Harold Arboleda ay naghatid pa ng 20 rebounds at 10 puntos.
Pero ang kamador ng Altas na si Earl Thompson ay nagtala lamang ng siyam na puntos para bumaba ang Altas sa ikatlong puwesto.
Okupado ng Chiefs ang ikalawang upuan sa team standings sa 4-1 karta sa bisa ng panalo laban sa Stags.
May 21 puntos, 13 assists at 7 steals si Jiovanni Jalalon para pangunahan ang limang Chiefs na naghatid ng 12 puntos pataas para dumikit sa four-peat champion San Beda na may 5-0 karta.
Si CJ Perez ay may 22 puntos para sa Baste na nakatabla ang Lyceum Pirates sa ikaapat at limang puwesto sa 3-2 karta. (ATan/Merrowen Mendoza-trainee)
Jose Rizal 62- Paniamogan 16, Benavidez 8, Mabulac 8, Sanchez 6, Abdul Wahab 6, Asuncion 6, Grospe 4, Lasquety 4, Salaveria 2, Teodoro 2
Perpetual Help 61- Baloria 22, Arboleda 11, Alano 10, Thompson 9, Jolangcob 5, Ylagan 2, Bantayan 2, Oliveria 0, Dizon 0, Gallardo 0, Sadiwa 0, Dagangon 0
Quarterscores: 17-all; 31-37; 47-49; 62-61.
Arellano 96 - Jalalon 21, Enriquez 17, Agovida 17, Holts 13, Hernandez 12, Caperal 7, Pinto 7, Ortega 2, Salcedo 0, Gumaru 0, Nichols 0, Ciriacruz 0.
San Sebastian 86 - Perez 22, Guinto 19, Ortouste 11, Dela Cruz 10, Yong 9, Calisaan 6, Camasura 3, Costelo 3, Balucanag 2, Aquino 1.
Quarters: 14-18; 43-37; 68-64; 96-86
- Latest