^

PSN Palaro

UAAP Men’s CAGEFEST; Eagles, Bulldogs pakay ang ika-3 dikit na panalo

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ipagpapatuloy ng Blue Eagles ang kanilang pag­lipad sa pamamagitan ng pag-angkin sa kanilang ikatlong sunod na panalo.

Sasagupain ng Ateneo De Manila University ang University of the Philippines ngayong alas-2 ng hapon kasunod ang banggaan ng nagdedepensang De La Salle University at National University sa alas-4 sa 77th UAAP men’s basketball tournament sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Magkasalo sa liderato ang Ateneo, NU at University of the East sa kanilang magkakatulad na 2-0 record kasunod ang Far Eastern University (1-1), University of Sto. Tomas (1-1), La Salle (0-2), Adamson University (0-2) at UP (0-2).

Tinalo ng Blue Eagles ang Falcons, 79-57, at ang Green Archers, 97-86, sa likod ng mga averages na 25.5 points, 4.5 rebounds, 3 assists at 2.5 steals per game ni Kiefer Ravena.

“Malayo pa talaga,” wika ng dating UAAP Rookie of the Year awardee. “There are a lot of things that can happen this season, so we have to take it a game at a time.”

Target naman ng Fighting Maroons ang kanilang unang panalo.

Sa ikalawang laro, pu­puntiryahin ng NU ang ka­nilang pangatlong dikit na panalo, samantalang pipilitin ng La Salle na mawakasan ang kanilang dalawang sunod na kamalasan.

Umiskor ang Bulldogs ng 70-59 panalo laban sa Fighting Maroons para sa kanilang ikalawang dikit na arangkada.

Nakalasap naman ang Green Archers ng 86-97 kabiguan sa Blue Eagles.

vuukle comment

ADAMSON UNIVERSITY

ATENEO DE MANILA UNIVERSITY

BLUE EAGLES

DE LA SALLE UNIVERSITY

FAR EASTERN UNIVERSITY

FIGHTING MAROONS

GREEN ARCHERS

LA SALLE

UNIVERSITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with