^

PSN Palaro

Pacquiao pera lang ang habol para labanan si Mayweather - Floyd Sr.

Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kung si Floyd Mayweather, Sr. ang tatanungin, ang inaasahang malaking premyo na lamang ang habol ni Filipino world eight-division champion Manny Pacquiao kaya gusto nitong labanan ang kanyang anak.

Ito ang sinabi ni Floyd, Sr. sa panayam ng On The Ropes Boxing Radio Program.

Ayon kay Floyd, Sr., tanging si chief trainer Freddie Roach lamang ang gustong ilaban si Pacquiao kay Mayweather.

“Let me say this right here; Pacquiao runs his damn mouth all the time, talking (expletive)--at least Freddie Roach do. Freddie ‘The Joke Coach’ Roach, he runs his mouth. I don’t think it’s Pacquiao that much. Pacquiao, I know he really don’t want to fight,” wika ni Floyd, Sr.

Nauna nang sinabi ni Floyd, Sr. na maaaring mangyari ang mega showdown nina Mayweather at Pacquiao.

Maraming boxing observers ang naniniwala na ang laban kay Pacquiao ang tinutukoy ni Mayweather na kanyang lalabanan sa susunod na taon na inaasahang magiging pinakamalaking laban sa boxing history.

Bukas naman si Pacquiao sa kanilang super fight ni Mayweather.

Nakatakdang labanan ni Pacquiao si Chris Algieri sa Nobyembre 22 sa Macau, China.

Iginiit ni Floyd Sr. na pera na lamang ang habol ni Pacquiao sa paghahabol  kay Mayeather dahil sa problema nito sa buwis.

“He’ll  (Pacquiao) say he wants to fight and this and that but he don’t want to fight. Pacquiao fights now because he needs money,” sabi pa ni Floyd, Sr.

Samantala, sinasabi namang mismatch ang laban ni Pacquiao kay Algieri.

Ayon sa Lootmeister.com na nagbibigay ng boxing handicaps online, si Pacquiao ay -1400 favorite kontra kay Algieri (+800).

Kung tataya ka ng $1,400 para sa panalo ni Pacquiao ay kikita ka lamang ng $100, habang ang taya na $100 para kay Algieri ay mananalo ng $800.

Umaasa ang mga fight fans na magkakaroon pa ng pagbabago sa tayaan habang papalapit ang Pacquiao-Algieri fight.

Nakikita ng mga oddsmakers na mapapabagsak ni Pacquiao si Algieri.

Dalawang beses natalo si Pacquiao noong 2012 bago nakabangon at tinalo si Brandon Rios noong Nobyembre sa The Venetian sa Macau.

Noong Abril ay niresbakan ng eight division world champion si Timothy Bradley, Jr,. sa kanilang rematch sa Las Vegas.

vuukle comment

ALGIERI

AYON

BRANDON RIOS

CHRIS ALGIERI

FLOYD

FLOYD MAYWEATHER

FREDDIE ROACH

MAYWEATHER

PACQUIAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with