^

PSN Palaro

Programa ng Gilas ‘di matatapos sa Fiba World Cup at ASIAD - MVP

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Anuman ang mangyari sa kanilang kampanya sa World Cup sa Spain at sa Asian Games sa South Korea ay hindi matatapos ang Gilas Pilipinas na­tional team program ni Samahang Basketbol ng Pilipinas president Manny V. Pangilinan.

Ang pagkuha sa ba­gong naturalized player na si Andray Blatche, ang kanilang darating na basketball camp sa Miami kasunod ang isang European tour at ang dream series laban sa NBA selection group ay bahagi ng long-term Gilas program na nakatutok sa pagkuwalipika sa 2016 Olympics.

“That’s the whole prog­ram. That’s the entire plan for this team,” sabi ni coach Chot Reyes. “It’s not ending in In­cheon. The goal is till 2015 FIBA Asia because there, we want to win the gold to qualify for the 2016 Olympics,” dagdag pa nito.

Hangad ni Pangilinan at ng kanyang grupo na maipanalo ang naturang torneo bago ang pagpa­patupad ng FIBA ng ka­ni­lang bagong calendar at elimination process para sa Olympics.

Ang magiging bagong proseso ang inaasahang magpapahirap sa kam­pan­ya ng Pilipinas para ma­kapaglaro sa quadrennial meet.

Hindi pa nakakapaglaro ang bansa sa Olympics matapos noong 1972 sa Munich.

“FIBA Asia 2015 is the end of the last cycle. It’s still the same as 2011. You win the gold and you go to the Olympics,” sabi ni Reyes.

Nagalak sa naging resulta ng pamamahala sa 2013 FIBA Asia Championship, umaasa si Pangilinan na muli niyang maisasagawa ang torneo sa bansa sa susunod na taon.

Kumpiyansa si Pa­ngi­linan na posible itong mangyari dahil pinayagan ang China na pangasiwaan ang event ng dalawang sunod  noong 2001 (Shanghai) at 2003 (Harbin) at no­ong 2009 (Tianjin) at 2011 (Wuhan)

Target din ng telecommunication mogul na ma­kuha ang hosting rights para sa 2018 FIBA World Championship.

Ngunit sinabi ni Pa­ngi­linan na dapat munang masustina ng Gilas Pilipinas ang magandang kampanya matapos ang 2nd place fi­nish noong 2013 FIBA Asia Championship na sinundan ng bronze-medal showing sa katatapos na FIBA Asia Cup.

Noong Linggo ay nagkampeon naman ang Phi­lippine quartet nina KG Canaleta, Aldrech Ramos, Rey Guavarra at Terrence Romeo sa FIBA 3x3 World Tour Manila Masters patungo sa kanilang paglalaro sa world finals sa Tokyo sa Oktubre.

Optimistiko si Pa­ngi­linan na mabibigyan ng Nationals ng magandang laban ang grupo ni Kawhi Leonard kagabi at bukas sa Smart Araneta Coliseum.

Matapos ang Last HOME Stand series, sasa­ilalim naman ang Gilas Pilipinas sa isang four-day training camp sa Miami.

vuukle comment

ALDRECH RAMOS

ANDRAY BLATCHE

ASIA CHAMPIONSHIP

ASIA CUP

ASIAN GAMES

FIBA

GILAS PILIPINAS

PANGILINAN

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with