Eagles dinagit ang Archers Keifer nagpasiklab sa panalo
MANILA, Philippines - Patuloy ang paglipad ng mga Eagles, habang bigo pa rin sa kanilang target ang mga Archers.
Kumamada si Keifer Ravena ng 29 points, tampok dito ang apat na three-point shots sa fourth quarter, para banderahan ang Ateneo sa 97-86 paggiba sa nagdedepensang La Salle sa 77th UAAP men’s basketball tournament sa harap ng 17,344 fans kahapon sa Smart Araneta Coliseum.
Nagposte naman ang dating Archers’ forward na si Alfondo Gotladera ng 17 points at 8 rebounds para sa ikalawang sunod na panalo ng Eagles.
Kinuha ng La Salle, nalasap ang kanilang pangalawang dikit na kamalasan, ang 13-4 abante sa first period bago lumamang ang Ateneo sa third quarter, 61-59, sa likod nina Ravena, Gotladera at Von Rolfe Pessumal.
“The only chance we had against them was to play it by possession. At the end of the day, they were able to make their shots,” sabi ni head coach Bo Perasol sa kanyang Eagles na ibinaon ang Archers sa paglilista ng 14-point lead, 85-71, mula sa ikaapat na tres ni Ravena sa huling 2:08 minuto sa final canto.
At mula rito ay hindi na nilingon ng Ateneo ang La Salle.
Pinangunahan naman ni Jason Perkins ang Green Archers sa kanyang 25 points kasunod ang 18 ni Almond Vosotros, 15 ni Jeron Teng at 10 ni Arnold Van Opstal.
Nagdagdag si Pessumal ng 21 markers para sa Eagles, habang may 14 si rookie Arvin Tolentino.
Sa ikalawang laro, ginimbal ng University of Sto. Tomas ang paboritong Far Eastern matapos itakas ang 69-67 panalo.
Nagpaulan si Kevin Ferrer ng dalawang magkasunod na tres sa huling dalawang minuto ng fourth quarter para ibigay sa Tigers ang una nilang panalo katabla ang Tamaraws sa magkatulad nilang 1-1 marka.
Ateneo 97 - Ravena 29, Pessumal 21, Gotladera 17, Tolentino 14, Elorde 9, Newsome 7, Apacible 0.
La Salle 86 - Perkins 25, Vosotros 18, Teng 15, Van Opstal 10, N. Torres 8, Rivero 4, Andrada 2, Salem 2, Sargent 2, Bolick 0, Montalbo 0.
Quarterscores: 17-24; 39-37; 61-59; 97-86.
UST 69 – Ferrer 18, Abdul 16, Lao 14, Subido 6, Daquioag 5, Mariano 4, Vigil 4, Sheriff 2, Basibas 0, Lo 0, Pe 0.
FEU 67 – Belo 19, Tolomia 14, Ru. Escoto 8, Hargrove 8, Tamsi 5, Inigo 5, Cruz 4, Jose 2, Dennison 2, Delfinado 0, Pogoy 0, Denila 0.
Quarterscores: 12-13; 31-26; 53-50; 69-67.
- Latest