^

PSN Palaro

Thompson nagbida sa Altas

Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon

(The Arena,

San Juan City)

12 nn San Beda

vs Arellano (Jrs./Srs.)

 

MANILA, Philippines - Gumawa si Earl Scottie Thompson ng kauna-una­hang triple-double sa 90th NCAA men’s bas­ket­ball para ibigay sa Perpetual Help Altas ang ikatlong sunod na panalo sa pamamagitan ng 73-65 panalo sa Emilio Aguinaldo College Generals kagabi sa The Arena sa San Juan City.

Tumapos ang pambatong manlalaro ng Altas na si Thompson bitbit ang 15 puntos, 13 rebounds at 12 assists para saluhan uli ng bataan ni coach Aric del Rosario ang four-time defending champion Red Lions sa unang puwesto.

Ang huling NCAA pla­yer na nakagawa ng triple-double ay si Calvin Abueva nooong Setyembre 3, 2012 sa naihatid na 21 puntos, 20 rebounds at 10 assists tungo sa 77-62 panalo ng San Sebastian sa Mapua.

Si Juneric Baloria ang nanguna sa Altas sa kanyang 18 puntos at anim rito ay kayang pinakawalan sa ikalawang yugto para itulak ang Altas sa 33-18 kalamangan.

Pinakamalaking kala­mangan ng Perpetual ay sa 21 puntos, 51-30, at kahit nagtangka ang Ge­nerals na bumangon, pinalamig din sila ng tres ni Harold Arboleda para ibalik sa double-digits ang kanilang abante, 73-62, sa huling isang minuto ng laro.

Samantala, pinagmasdan na lamang ng San Sebastian na pumukol ng ka­pos na three-pointer si Jonathan Grey para mailusot ang 74-72 panalo sa St. Benilde sa unang laro.

Lumayo ang Stags ng hanggang 13 puntos sa ikatlong yugto pero nanlamig sila sa huling 10 mi­nuto para makabangon ang Blazers. (ATan/MM)

San Sebastian 74 – Dela Cruz 18, Yong 16, Perez 15, Guinto 13, Ortuoste 10, Fabian 2, Balucanag 0, Calisaan 0, Costelo 0, Aquino 0.

St. Benilde 72 – Romero 17, Nayve 13, Grey 9, Bartolo 7, Taha 6, Ongteco 6, Sinco 4, Argamino 2, Saavedra 0.

Quarterscores: 20-22; 40-38; 63-52; 74-72.

 Perpetual Help 73 – Baloria 18, Thompson 15, Arboleda 15, Alano 10, Gallardo 4, Dagangon 4, Dizon 3, Bantayan 2, Sadiwa 2, Jolangcob 0, Oliveria 0.

EAC 65 – Jamon 15, Happi 14, Aguilar 11, Arquero 6, Tayongtong 5, Pascual 4, Onwubere 4, King 3, Mejos 3, Santos 0, Saludo 0

Quarterscores: 12-13; 35-20; 59-44; 73-65.

vuukle comment

ALTAS

CALVIN ABUEVA

DELA CRUZ

EARL SCOTTIE THOMPSON

EMILIO AGUINALDO COLLEGE GENERALS

SAN JUAN CITY

SAN SEBASTIAN

SHY

ST. BENILDE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with