Garcia sa mga atleta: Bantayan n’yo ang diet
MANILA, Philippines - Ngayon pa lamang ay sinabihan na ang mga Filipino athletes na lalahok sa 27th Asian Games sa Setyembre na tingnan ang kanilang diyeta sa kanilang pagtungo sa Incheon.
Nagtungo si Philippine Sports Commission chairman Richie Garcia sa host city kamakailan para sa pulong ng mga heads of delegations.
Sinabi ni Garcia na binigyan ang mga visiting delegates ng oras na bisitahin ang main stadium, ang athletes’ village at ilang venues para sa Sept. 18 hanggang Oct. 4 event.
Ayon kay Garcia, inaasahan niyang aalagaan nang husto ng Incheon, Korea ang kanilang mga bisita.
“The organizers said they will make all kinds of food available. They will serve Western cuisine, Chinese, Japanese, Korean food and halal food, spicy and non-spicy,” sabi ni Garcia.
“There will be unlimited fruits, yogurt and ice cream. It’s eat-all-you-can. And I’m worried na baka lumobo (bloated) ang athletes natin,” dagdag pa nito.
Mayroon ding chocolates para sa lahat.
Sinabi ng chef-de-mission ng Philippine delegation na kailangan nilang magdala ng ilang nutritionists para tingnan ang kakainin ng mga national athletes
“We need nutritionists to remind our athletes what they can eat and how much they can eat,” wika ni Garcia.
- Latest