^

PSN Palaro

Argentina diretso sa FIFA World Cup Finals

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Iniligtas ng goal keeper na si Sergio Romero ang Argentina upang dumiretso sa Finals ng FIFA World Cup sa Brazil.

Nauwi sa penalty shootout ang semi-finals matapos walang maka-goal sa pagitan ng Argentina at Netherlands sa loob ng 120 minutes kasama na ang extra time.

Naisuksok lahat ng Argentina ang kanilang tira, ngunit hindi sila mananalo kung hindi sa magandang depensa ni Romero na sinalag ang dalawang tira ng Netherlands upang masungkit ang panalo sa iskor na 4-2.

Makakabangga ng Argentina ang Germany para sa kampeonato na gagawin sa Maracana Stadium sa Rio de Janeiro Linggo ng madaling araw.

Pumasok sa championship ang Germany matapos lampasuhin ang host na Brazil sa harap ng kanilang mga kababayan sa iskor na 7-1.

Magkakasubukan naman ang Netherlands at Brazil para sa third at fourth place.

vuukle comment

INILIGTAS

JANEIRO LINGGO

MAGKAKASUBUKAN

MAKAKABANGGA

MARACANA STADIUM

NAISUKSOK

NAUWI

PUMASOK

SERGIO ROMERO

WORLD CUP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with