^

PSN Palaro

Davao sinilat ang NU, pasok sa quarters

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Mula sa pagiging isang guest team tungo sa isang title contender sa Shakey’s V-League Season 11 First Conference.

Ganito ang ginawa ng Davao Lady Agilas nang nakahuli ng mas malaking isda sa pangatlong sunod na laro upang umabante na sa quarterfinals sa Group B.

Sina May Agton, Joce­mer Tapic, Venus Flores at Mae Antipuesto ang mga nagkapit-bisig lalo na sa una at ikaapat na sets na napagwagian ng Lady Agilas para ipatikim sa nagdedepensang National University Lady Bulldogs ang 25-20, 30-28, 14-25, 32-30, panalo kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Tumapos si Agton taglay ang 21 kills habang sina Tapic, Flores at Antipuesto ay mayroong 13, 12 at 10 para sa baguhang Davao na umabante na sa susunod na round sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s sa ikatlong sunod na panalo.

Ang liberong si Irish Dignadice ay mayroon pang siyam na digs at 14 excellent receptions na nakatulong sa kampanya ng Lady Agilas.

Tinablahan ng UAAP champion Ateneo Lady Eagles ang pahingang Arel­lano Lady Chiefs sa unang puwesto sa Group A nang iuwi ang 25-16, 25-18, 25-13, straight sets panalo sa St. Louis University Lady Navigators sa ikalawang laro.

Sa first set lamang gi­na­mit ng Ateneo si Alyssa Valdez at naghatid pa ng limang puntos bago ipinahinga na sa sumunod na dalawang sets.

Hindi naman nagbago ang tikas ng Lady Eagles dahil gumana si Kassarandra Miren Gequillana sa kanyang walong kills, dalawang aces at isang block upang tapusin ng Ateneo ang laro sa group elimination sa ligang may ayuda pa ng Mikasa, Accel at Lion Tiger Mosquito Coil sa 4-1 karta.

vuukle comment

ALYSSA VALDEZ

ATENEO

ATENEO LADY EAGLES

DAVAO LADY AGILAS

FIRST CONFERENCE

GROUP A

GROUP B

LADY

LADY AGILAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with