Winner-take-all sa Air21, San Miguel
MANILA, Philippines - Pipilitin ng Air21 na kumpletuhin ang kanilang hangaring makapasok sa semifinal round bilang No. 7 team laban sa No. 2 San Miguel Beer.
Lalabanan ng Express ang Beermen ngayong alas-8 ng gabi sa kanilang ‘winner-take-all’ match sa quarterfinals ng 2014 PBA Commissioner’s Cup sa Smart Araneta Coliseum.
Ang mananalo sa banggaan ng Air21 at San Miguel Beer ang lalaban sa maÂnaÂnaig sa best-of-three quarterfinals series ng nagdedepensang Alaska at San Mig Coffee para sa best-of-five semifinals series.
Inangkin ng No. 1 Talk ‘N Text ang unang semifinals berth matapos gibain ang No. 8 Barangay Ginebra, 97-84, noong Martes.
Ang mananalo sa serye ng No. 4 Rain or Shine at No. 5 Meralco ang makakasagupa ng Talk ‘N Text sa isa pang best-of-five semifinals showdown.
Pinuwersa ng Express ang Beermen sa ‘do-or-die’ matapos sikwatin ang 92-79 panalo noong nakaraang Martes.
Sa naturang tagumpay ng Air21 ay tumipa si Sean Anthony ng 21 sa kanyang 25 points sa second half, habang humakot ang 40-anÂyos na si Asi Taulava ng 17 markers at 8 rebounds.
Alam ni head coach Franz Pumaren na reresbaÂkan sila ng San Miguel Beer.
“We’re expecting San Miguel to be prepared by then. I just hope that we will still continue what we are capable of doing,†sabi ni Pumaren.
- Latest