^

PSN Palaro

Pacquiao muling ininsulto ni Mayweather

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Mga amateur kung mag­laban sina Manny Pacquiao at Timothy Bradley.

Ito ang winika ni pound-for-pound Floyd Maywea­ther Jr. nang kunan siya ng komento sa naganap na laban nina Pacquiao at Brad­ley para sa WBO welterweight title ng huli.

Dinomina ni Pacquiao ang dating walang talong si Bradley mula sa seventh round tungo sa unanimous decision panalo at mabawi ang titulong naisuko noong 2012 sa pamamagitan ng kontrobersyal na split de­cision.

Inanim ni Mayweather na pinanood niya ang laban dahil gusto niyang makita sa ring si Pacquiao na huli niyang napanood noon pang 2009  kontra kay Mi­guel Cotto.

Binati niya si Pacquiao pero pinatutsadahan din sa ipinakitang laban.

“I think both fighters fought like amateurs. I thought Pacquiao fought like an amateur also and I wasn’t pleased with his perfor­mance. He got the victory the best way he know how but I wasn’t plea­sed with his performance at all,” wika ni Mayweather sa Fighthype.com

Pero hindi naman lahat ay puna ang ginawa ni Mayweather dahil aminado siya na may ibang galing siyang  nakita kay Pacquiao sa nasabing labanan

“I’m seeing something totally different in Pacquiao,” dagdag ni Mayweather. “But still, that don’t make me say, ‘Yeah, I’m go out there and fight him,’ because he’s with Bob Arum and I’m with Mayweather Promotions.”

May ilang taon na pi­nagsisikapang pagtapatin sina Pacquiao at Maywea­ther ngunit panay ang iwas ng walang talong WBC welterweight champion sa pamamagitan ng paglatag ng mga bagong kondis­yones.

Ang huling nais niya para matuloy ang mega fight ay umalis si Pacquiao kay Arum bagay na hindi payag ang Pambansang Kamao.

Uminit uli ang usapan na pagsabungin silang dalawa matapos ang panalo kay Bradley at tiyak na muling pag-uusapan ang bagay na ito kung magwagi si Mayweather laban  kay Marcos Maidana sa Mayo 3.

vuukle comment

BOB ARUM AND I

BRADLEY

FLOYD MAYWEA

MARCOS MAIDANA

MAYWEATHER

MAYWEATHER PROMOTIONS

PACQUIAO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with